BMDN Chapter 64

116K 2.3K 71
                                    

Maluwag ang pakiramdam ko ngayon dahil alam ko na ito na ang simula ng masayang araw para saming lahat. Masaya ako at binigyan ng isa pang pag kakataon ni Kuya Scott si Spencer na patunayan dito na nag bago na sya. Masaya hindi lang ako kung 'di pati ang mga bata, malaya na kasing makakabisita si Spencer sa bahay 'yun nga lang may oras na ibinigay sa kanya si Kuya. Nakakatawa nga dahil para kaming mga teenagers kung ituring ni Kuya, at natatakot sya na baka mag tanan kami.

Malamig pa rin ang trato ni Kuya kay Spencer pero alam kong magiging maayos din sila, marami na silang pinag samahan at ayoko na dahil sakin ay magkakasira sila.


"Daddy!"


Napatingin ako sa pinto ng sumigaw si Scarlet, at nakita ko na nakakarga na sila ni Styler kay Spencer. Ganito sya araw-araw, pag kagaling nya ng trabaho ay dito na sya dideretsyo. Hindi ko parin mapaniwalaan na kaya nyang umalis bilang CEO sa sarili nyang company, nanghihinayang ako dahil alam kong pinag hirapan nila iyon ng pamilya nya. Pero sa tuwing titingin ako sa mata nya wala akong makitang panghihinayang doon, parang maliit na bagay lang ang ginawa nya kahit ma sobrang laki noon. At ngayon hindi ko alam kung paano haharap sa mga magulang nya, dahil alam kong alam ng mga ito ang dahilan ni Spencer sa pag baba bilang CEO.


Sumalubong ako sa kanya at hinagkan sya sa labi, mabilis akong humiwalay ng marinig ko ang pekeng ubo ni Kuya. Ganyan sya, ayaw nya na nakakapag solo kami ni Spencer, kung ituring nya ako para akong bata gayong tatlo na ang anak namin. Pero masaya ako sa ginagawa nya, dahil doon ramdam ko na mahal nya ako.



"Pre" ani Spencer pero hindi sya pinansin ni Kuya at umupo ito sa couch kung saan nag lalaro ang kambal kanina. Tumingin ako kay Spencer at pinaparating ang paghingi ko ng pasensya sa pag trato sakanya ni Kuya, pero mukang sanay na sya at ngumiti lamang sya saka umupo. Hindi humiwalay sakanya si Scarlet, pinag tripan nanaman nya ang buhok ng Daddy nya. Si Styler naman ay nag larong muli sa kanyang Ipad.


"Mag hahanda lang ako ng miryenda" ani ko, saka bumalik sa kusina. Kinuha ko ang ginawa kong waffle at juice saka nagdala sa salas, naabutan ko na ang uusap si Spencer at Styler habang si Kuya ay nakatingin lang sa mag aama ko. Alam kong alam nya na mahal ni Spencer ang mga anak namin, kaya umaasa ako na maging maayos na sila ni Spencer. Para masabi na rin namin ang balak naming pag papakasal. Si Spencer ang nag suggest na huwag munang sabihin kay Kuya ang plano namin, dahil gusto nyang maging ayos muna ang pagitan nila bago nya hingin ang kamay ko sa mga kapatid ko.






Ibinaba ako ang dala ko sa coffe table, sakto naman ang pag pasok ni Kisza galing School.


"Dad!" Aniya saka mabilis na lumapit kay Spencer.


"Meryenda kana anak" ani ko, ibinaba nya ang bag nya at umupo katabi ang kambal na kumakain na rin.


Umupo ako sa tabi ni Spencer, mabilis naman nyang ipinalupot ang braso nya sa bewang ko. Medyo nailang ako dahil nakatingin samin si Kuya.

"Ku-kuya mag meryeda kana" ani ko, inirapan nya ako bago nag salin  ng juice sa bago. Napatingin ako kay Spencer ng haplus-haplusin nya ang bewang ko, pinanlakihan ko sya ng mata pero nginisihan nya lang ako.





"Spencer"



Pareho kaming napatingin kay Kuya ng tawagin nya ang pangalan ni Spencer, seryoso sya habang nakatingin sa katabi ko.

"Ang sabi mo hindi ikaw ang nag paalis kila Nina noon, kung ganon sino ang nag paalis sa kanila sa bahay na ibinigay mo" ani Kuya, ngunot noong napatingin ako kay Spencer. Hindi sya ang nag paalis samin noon, kung ganoon sino? Wala syang binanggit sa bagay na iyon.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon