Chapter 42

105K 1.4K 71
                                    

Clyde's POV

Pangatlong araw na naming magkasama ni Selena. Hindi lang ako makapaniwala na nandito na ulit siya sa tabi ko. Hindi ko pa siya tinatanong tungkol sa mommy niya dahil it might spoil the moment. Ayoko munang mag-isip ng problema ngayon. Gusto ko ako at si Selena lang muna. Walang kasamang problema o anuman.

“Perv! Tara dito.” Kanina pa siya sa may sala at nanunuod ng tv. Lumapit lang ako sa kanya agad. Hindi kasi mawari yung ugali at mood niya ngayon. Kasakit sa abs.

“Oh?”

 

 

“Upo. Dito.” Turo niya sa may tabi niya. Umupo naman ako at agad siyang tumayo at umupo sa lap ko. Naging hobby na nga ata niya yan.

“Naglalambing ka nanaman. Benta mo ha. May kailangan ka no?”

 

 

“Wala.” Sagot niya at niyakap ako ng mahigpit. Tss.

“What’s wrong?”

 

 

“Nah. Naisip ko lang yung kahapon. Kadiri pala yung kinain ko.” SOBRA! Sinong matinong tao ang kakain ng ketchup na may asukal at patis? Si Selena lang! Kahit kailan talaga ‘tong babaeng pula na’to.

“Buti alam mo.”

 

 

“Pero ang panget mo talaga.”

 

 

“Benta ka. Gwapo ko.”

 

 

“Mas gwapo si Crayon.” At sinong mongoloid yung Crayon na yon?!

“Sinong bakla yon? Tell me, ng hindi na masikatan ng araw.” Tss. Mas gwapo ba yun sakin? Anak ng!

 

 

“Panget mo. Abot mo sakin yung cellphone ko.” Inabot ko naman sa kanya at may hinahanap siya sa contacts niya…

“Hello! Selena ‘to… hihihi.. oo nga eh.. h-ha? Ah o-oo… ano kasi.. ah gnun ba? I miss you too…  hihi… wala lang… gusto ko lang sabihin na… I miss you… Sige.. bye Crayon…” Tinititigan ko lang siya na ang laki ng ngiti sa mukha niya. Put------------ sino bang bakla yung Crayon na yon?!

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon