Chapter 23

62.3K 1.2K 112
                                    

Dedicated to @ kayeford.

"Shit! Shit!"

Kanina pa mura ng mura ang katabi kong si Johnny, ang taong pinadala ni Mike, habang binabagtas namin ang kalsada pabalik sa ospital.

Habang tahimik lang ako. Pero hindi nangangahulugan na hindi ako kinakabahan. I'm already thinking of the consequence of what happened tonight.

Umalis kami ng mansiyon na nagkakagulo ang mga guwardiya dahil sa malakas na ingay ng alarm na umaalingawngaw sa buong mansiyon.

Dahil hindi namin napansin na konektado ang safe sa isang security alarm, and it went off when we opened it.

At sigurado akong nai-report na ito ng mga guards kay Papa at malamang alam na rin nito na nasa mansiyon ako ng mga sandaling iyun. He will be looking for me and I need to hide from him, to disappear from their radar kahit ilang araw muna para mapagplanuhan ang mga aksiyon na gagawin ko.

I can ask Alex na manatili muna kami sa villa niya. Hindi makakaapak si Papa at ang mga tauhan niya sa teritoryo ng mga Ledesma and his place will be my safe haven pansamantala.

Kailangan ko na ring sabihin kay Alex ang lahat, lalo na nalalapit na ang gagawin kong pag expose sa sarili kong ama and I will need his help na itago ako kina Papa. Ngayong magiging asawa na niya ako, responsibilidad kong ipaalam sa kanya ang kahaharapin kong eskandalo.

Binuksan ko uli ang bag na puno ng dokyumento na ninakaw ko sa loob ng safe and at the bottom of it is the hard drive. I already scanned the content of the documents at hindi ako nagkakamali sa sapantaha ko.

The safe is full of documents of the illegal dealings of my father.

"Alam mo na ang gagawin mo sa hard drive? sinabi na ba sa'yo ni Mike?" baling ko kay Johnny ng tumigil ang sasakyan nito sa parking lot, sa likod ng ospital.

"Malamang maraming lamang data ang hard drive kaya instruction sa akin ni Mike na i-process ko kaagad ito."

Tumango ako. Laking pasalamat ko na maasahan ko si Mike sa ganitong klaseng trabaho.

"Abangan mo ang tawag ko sa mga susunod na araw. I hope by that time, makita mo na sa hard drive ang hinahanap ko."

"I will try my best, pagkarating ko ng bahay ito na kaagad ang aasikasuhin ko."

"Salamat John, ingat ka. Huwag kang masyadong kampante habang bumabiyahe dahil malamang alam na ni Papa ang nangyari." I warned him bago tuluyang lumabas ng kotse.I watched him drove away until his car disappeared from my sight.

I walked towards the back entrance of the hospital, I choose to be dropped here because the place is quite and dark, para walang may makapansin sa akin. Pero binilisan ko pa rin ang lakad ko para makarating kaagad ng pinto lalo na nararamdaman kong somebody is watching me. Kaya ganun na lang ang sigaw ko ng biglang may sumulpot sa harapan ko.

"P-pangs!" I shrieked when I recognized it was Alex.

"Babe!..huwag mo akong gulatin ng ganyan at baka atakehin ako sa puso." pabiro na sita ko dito na nakapatong pa ang kamay ko sa dibdib.

Hindi siya nag react sa sinabi ko, seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"A-are you okay pangs?" I asked apprehensively, afraid that something happened to his parents while I was out.

He just stared at me, his eyes devoid of any emotions. "Saan ka galing?"

I was confused when he didn't answer my question and the eerie calm on his voice put me on edge na kinakabahan ako.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon