XIII

58K 2.6K 1.1K
                                    




XIII

ISANG babae ang nanakbo sa talahiban. Kahit anong pilit niyang bilisan ang pagtakbo ay malabo niya pa ring matakasan ang walong lalaking humahabol sa kanya. At kahit magsisisigaw siya ay wala ring nakakarinig sa kanya.

"Wag ka na kasing manakbo, mapapagod ka lang!" Sigaw ng pinakamatanda sa mga ito. Nahablot nito ang kanyang braso.

Galit na kinalmot niya ito sa mukha. "Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka namin!"

Isang sapak ang ibinigay nito sa kanya sanhi para masubsob siya sa lupa. Inapakan pa nito ang likod niya.

"Hindi ko inutusan ang mga tangang magulang niyo para pagkatiwalaan ako," anito saka tumawa na parang demonyo.

Napaiyak na siya. Alam niyang katapusan niya na kaya nagdesisyon siya na lunukin ang pride at magmakaawa. "Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako. Wala naman akong kasalanan sa inyo!"

Lumuhod sa harapan niya ang isang binatilyo. "Walang kasalanan? Sigurado ka?" Mabangis nitong tanong sa kanya. "Bukod sa pagiging malandi mo, marami ka pang kasalanan sa amin!"

"Dapat lang sa'yo na parusahan ka." Sabat ng isa pang binatilyo, nasa katorse lang ang edad nito. Kilala niya halos lahat ng lalaking nakapalibot sa kanya, kilalang-kilala niya ang mga ito. "Di ba pinaasa mo ako? Tapos pinagsabay mo kaming syotain!" Turo nito sa isa pang binatilyo. "Kasi malandi ka!"

Sumabat ang pinakamatanda, iyong halos tatay niya na ang edad. "Saka matagal na kitang type. Kung hindi ako umubra sa nanay mo, ikaw na lang ang titikman ko."

"Ano na? Simulan na natin!" Hindi niya na nakita kung sino sa mga ito ang nagsalita non.

Nanlabo na ang paningin niya nang sikmurahan siya ng kung sino mang naunang dumagan sa kanya.



***



"WAG!!!"  

Pagbangon niya ay wala syang ibang makita kundi ang madilim niyang kwarto. Para siyang tumakbo nang ilang kilometro sa kanyang paghingal. Naliligo siya sa pawis habang ang kanyang mga mata ay luhaan.

Bangungot na naman.

Nilingon niya ang isang aparador sa kanyang uluhan. Tinungo niya iyon upang kuhain ang isang kahon sa loob n'on. Nang mabuksan niya iyon ay iniangat niya ang lumang picture na naroon. Iyon ang huling family picture nila bago siya maging ulilang lubos.

Napatingala siya sa kisame. "A-ate, napanaginipan na naman kita..." usal niya. "Pasensiya ka na kung akala mo nakalimutan ko na, pasensiya ka na kung naging busy ako. Pero I promise you, okay na ulit ako. I miss you..."

May pitong taon na nang mamatay ito. Natagpuan ang katawan nito na walang saplot at putikan sa isang bukid malapit sa talahiban. Pinagsamantalahan ito at pinaslang ng walang kalaban-laban. Nasawi ito nang nakabuka ang bibig at dilat ang mga mata dahil siguro sa hirap na dinanas nito.


***


ISAAC

NADATNAN NI ISAAC si Cristina na nakatanaw na naman sa kawalan. Mugto na ang mga mata nito sa kakaiyak. Siguro hindi na nito kinakaya ang mga nangyayari. Siguro ay hirap na hirap ito. Ang dating maaliwalas nitong mukha ay ngayon maputla na, bagamat napakaganda pa rin talaga ni Cristina.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon