XIV

55.8K 2.7K 2K
                                    

XIV

CHIEF JOSHUA ARIOLA

HINILOT NI CHIEF JOSHUA Ariola ang kanyang sintido habang pinagmamasdan ang mga papel na iba't iba ang bilang nang pagkakatiklop. Ito iyong natagpuan nila sa tabi ng katawan ni Detective Bart nang matagpuang wala na itong buhay. Ayon kay Isaac, isa raw mensahe ang mga papel na ito. Ngunit kahit baligtarin niya ang mga papel na ito ay hindi niya makuha ang ibig n'ong sabihin.

"Rox." Tawag niya sa isang pulis na kasama niya sa presinto.

Lumapit naman sa kanya ang trenta anyos na babaeng pulils. "Ano yun, Chief?"

"Ano sa tingin mo ang nais sabihin ni Detective Bart nang tiklupin niya ang mga papel na ito?"

Tumitig ito sa mga papel na nasa kanyang mesa. "Hindi ko rin alam, Chief." Napakamot ito.

Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. Iniisip pa rin niya ang sandaling tinititigan din ni SPO2 Isaac Madrigal ang mga papel na ito. Posible nga kayang alam na ng lalaki ang ibig sabihin ng mga pagtiklop na ito? Pero bakit wala namang sinasabi sa kanya si Isaac?

"Sa tingin ko, Chief, may kinalaman sa bilang ang tiklop ng mga papel na iyan." Sabat ni Marion na naroon pa rin pala ng mga oras na iyon. Isa rin itong pulis tulad ni Rox. Binata ito, nasa mid thirties palang, kaedaran lang din ni SPO2 Isaac Madrigal, mas close ito sa kanya dahil noon pa man ay gimikero na ang lalaki. Samantalang si Isaac ay napakaseryoso sa buhay.

Lumapit si SPO2 Marion Dela Cruz sa kanya. "Pagmasdan nyo ho, Chief. Iba-iba po ang bilang ng pagkakatupi nito."

Pinakatitigan niya nga ang mga papel. Isang buong papel na pinunit sa limang piraso. Ang dalawang papel ay may parehas na isang tupi. Ang isa naman ay may labing-tatlo. Labing-lima ang sumunod at labing-walo ang huli. Napahimas siya sa kanyang baba. "Bilang..."

"Bilang ng mga letra!" si Rox ang nagsalita.

Napatapik siya sa kanyang desk. "Good job, guys!"

Napasuntok sa hangin ang dalawa.

"So it means na... kilala ni Bart ang killer." Aniya nang may pananabik.

Nagbago ang mukha ni Marion. "Ganoon na nga, Chief."

Inilatag ni Chief Joshua Ariola nang may puwang ang mga papel. Binilang nila ang kinaaangkupan ng mga bilang sa letra. Nang makuha nila ang mga ito ay bumuo sila ng salita. Tiyak na pangalan ito.

Namilog ang mga mata ni Rox. "P-parang kilala ko na, Chief."

Sumang-ayon naman si Marion. "Ilang beses na naming hinuli ang lalaking iyan."

Pumitik siya gamit ang mga daliri. "Kunin mo ang files niya." Utos niya sa babaeng pulis.

Patakbo naman itong naghalungkat sa file box. Minuto lang ay may dala na itong folder nang magbalik. Binuklat ni Rox iyon upang siyasatin ang rekord ng lalaking tinutukoy nilang posibleng salarin. "Heto, Chief."

Naningkit ang kanyang mga mata nang makita ang pangalan ng lalaking dati nilang naibilanggo. "Siya na nga ito. Check it!" itinuro niya ang larawan nito sa loob ng folder. "Tugma ang pangalang nabuo natin sa pangalan niya."

"Eh, Chief, di ba wala na sa tamang pag-iisip ang lalaking ito." Sabi ni Marion. "Labas-pasok ito dito sa kulungan pero ilang psychiatrist na ang nagpatunay na may sira iyan sa ulo. Pagala-gala na nga lang to ngayon."

Ginatungan naman ni Rox. "Oo nga, Chief. Pagala-gala na nga lang daw iyan sa kalye, eh. Hindi na rin iyan hinuhuli kahit pa madalas mangupit sa palengke, kasi nga baliw na iyan, e."

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon