XV

52.1K 2.6K 1.4K
                                    



XV

CHIEF JOSHUA ARIOLA

"WHERE IS HE now?" tigagal na tanong ni Joshua kay Mike. Para siyang lasing na napaupo sa kanyang swivel chair sa nabalitaan.

Isinalaysay kasi sa kanya ni SPO2 Mike Sencil ang ginawa ni Isaac. Kabilang na roon ang pagtakas nito sa suspect na si Cristina Chua.

"Wala po akong ideya, Chief. Hindi ko po alam kung bakit nagawa iyon ni Officer Isaac."

Napatungo siya at napayukyok sa kanyang braso. Hindi kasi siya makapaniwala na babaliktad ang pinakamagaling niyang pulis. Paanong nagawa ni Isaac na ipagpalit ang trabaho sa personal nitong damdamin?. "Tawagin mo si Rox at Marion..." utos niya kay Mike.

Humakbang naman palabas ng opisina niya si Mike at pagbalik nito ay kasama na ang dalawang pulis na ipinatawag niya.

Umangat ang kanyang mukha. "Hanapin nyo si Isaac and arrest him... hindi pa nakakalayo iyon sa baryong ito."

"Seryoso ba kayo, Chief?" nag-aalangang tanong ni Rox.

Tumayo siya at kumuha ng papel. "Gumawa siya ng labag sa batas kaya dapat siyang makulong."

Nagkatinginan ang tatlo. "P-parang imposible po yatang makagawa ng labag sa batas si Isaac." Saad ni Marion. "Chief, kilala nyo po siya. Hindi siya – "

"Just arrest him, and that's an order!"

Napatindig ang dalawa sa pagkakatayo at saka magkapanabay na nag-salute. "Sir, yes Sir!"

Bumaling siya kay Mike. "Sumunod ka sa akin." Pagkasabi ay naglakad na siya palabas ng kanyang opisina.

Tumalima naman ito. Hanggang sa narating nila ang isang kulungan kung saan naroon ang isang marungis at malaking lalaki—si Inon.

"Inaresto nyo na naman siya, Chief? E baliw iyan, e." Namimilog pa ang mga mata ni Mike. Maging ito ay kilala na ang lalaking nagpapabalik-balik sa kulungan.

Napahalukipkip si Joshua. "Nag-iwan ng clue si Bart bago siya namatay. Ikinubli niya ito sa papel na kanyang itiniklop."

"Hindi ko maintindihan, Chief."

Napangiti siya matapos mapabuntong-hininga. "Ang isang papel na may tiklop ng isa ay tumutukoy sa letrang A. May isa pang papel na mayroon din isang tiklop. Ang sumunod ay may tiklop na labing-tatlo. M ang nirerepresenta nito. O at R naman sa papel na may labing-lima at labing-walong tiklop. Kung bubuuin, mayroong mga letrang A, A, R, O at M."

Mataman lang na nakatitig sa kanya si Mike at nakikinig.

"Ang tunay na pangalan ni Inon ayon sa record ay Angelo Arom. Samakatuwid, ang mga letrang nakuha sa tiniklop na papel ay 'A. AROM', na ang ibig sabihin ay Angelo Arom."

"Pero, Chief. Kilala ba ni Detective Bart ang baliw na iyan?" Sabay baling nito sa lalaking nasa kulungan.

Napangisi siya. "Hindi basta kilala ni Bart ang lalaking iyan..." pagkatapos ay pumamulsa siya. "Kamag-anak niya pa."

"Ha?"

"Magkasabay kaming naging pulis nina Bart at Inon. Ngunit sa aming tatlo, kami ni Bart ang nakatanggap ng position at napromote. Hindi naman kasi magaling na pulis iyang si Inon." Masama niyang tinitigan ang lalaking nakakulong. "Ngunit tinanggihan ni Bart ang pagiging chief of police kaya ako ang sumalo. Mas gusto niyang maging detective na lang habangbuhay."

Gulat na gulat si Mike sa nalaman. Isa kasi siya sa pinakamatagal na pulis dito sa baryo.

"Isang araw, naaksidente si Inon. Nabundol siya ng isang kotse at tumilapon siya. Nabagok ang kanyang ulo ngunit hindi nagkaroon ng putok. Nagkaroon siya ng brain damage ayon sa doktor ngunit hindi niya ito ininda. Hindi nagtagal ay nabaliw siya. Hindi na siya nakapag-asawa at nagpagala-gala na lang siya sa kalsada."

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon