XVI

54.6K 2.7K 1.3K
                                    

XVI

"HINDI KITA ITINAKAS para iligtas, Cristina..." ani Isaac sa pagitan ng kanyang malalim na paghinga. 

Nanginginig ang kalamnan niya sa pinaghalo-halong emosyon. Galit, sakit, awa at pagmamahal. Hawak niya ang baril at nakatutok ito sa babae. 

"Itinakas kita para patayin!"

Nagimbal ito sa sinabi niya. Namutawi ang luha sa mga mata nito. "I-Isaac, bakit?"

"Goddamm*t! Ano ba talagang nangyayari, Isaac?!" asik sa kanya ni Kendo na nasa kanyang gilid lang. Nagsasalitan lang ito ng tingin sa kanilang dalawa na hindi man lang alam kung saan babaling.

Kinuha niya ang envelope na ipinatong niya sa sofa nang hindi inaalisan ng tingin si Cristina. Nang mahawakan niya ito ay ibinato niya ang papel sa paanan ng babae.

Napayuko ito doon. "A-ano ito?"

"Results iyan ng examination sa'yo ng isang neurologist," paliwanag niya sa seryosong tinig.

Naningkit ang mga mata ni Kendo. "Neurologist?" Bumaling ito sa babae pagkatapos. "B-bakit ka nagpatingin sa neurologist?"

Hindi kumibo si Cristina na malalim ang pagkakatitig sa kanya.

Siya ang sumagot sa tanong ni Kendo. "May isang pulis noon na nabangga ng isang kotse. Tumilapon siya at nabagok ang ulo. Malakas ang pagkakatama niya sa semento subalit wala siya ni bukol o putok sa ulo. Sinabi niya sa nakabangga niya na wala lang iyon..."

Nakatanga lang sa kanya ang dalawa.

"Pero wala pang isang buwan ay nabaliw ang lalaking iyon. Naapektuhan pala ang pituitary gland sa loob ng kanyang utak sanhi para masiraan siya ng bait. Tuluyan siyang nabaliw at nawala sa sarili. Nagpagala-gala siya sa kalsada at tinawag na pulubi."

Napapalatak si Kendo. "Why are you telling this to us?"

Si Cristina naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi siya humihiwalay sa mga mata nito. "Dahil ganoon din ang nangyari kay Cristina buwan na ang nakakalipas."

"Ha?" hindi makapaniwala si Kendo sa narinig.

"Ang laman ng envelope na iyan ang nagpapatunay. Isang doktor ang nakabangga sa'yo noong araw na lihim tayong nagtagpo." Nagpatuloy si Isaac. "Inalok ka nito ng free examination para masuri ka. At iyang sa paanan mo na nasa loob ng envelope ang resulta."

Namayani ang katahimikan kay Kendo.

"You have a serious damage in your brain," saad niya.

Samantalang si Cristina ay hindi pa rin kumakalas sa kanyang mga mata.

"Bakit hindi mo agad ito ipinaalam sa amin, Cristina?" madadama sa tinig ni Kendo ang lungkot. "Baka kung mapaano ka..."

Napabuntong-hininga ang babae. "Hindi ko pa rin maintindihan, Isaac? Ano ang kinalaman nito rito kung bakit gusto mo akong patayin?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Dahil pinatay mo si... Bart."

"D*amn it, Isaac!" palatak ni Kendo. "Are you out of your mind?!"

Bumalatay sa mukha ni Cristina ang labis na pagkagulat. Naglandas ang mga luha nito ngunit nanatili sa pwesto. "A-anong pinagsasasabi mo?"

"Bago namatay si Bart ay may iniwan siyang mensahe sa akin. Limang piraso ito ng papel na may iba't ibang bilang ng tiklop. Ang bawat tiklop na ito ay tumutukoy sa letra. At alam mo ba kung ano ang nabuong mga titik?"

Nagkatinginan lang ang dalawa.

"A, A, M, R at O..." Nagtagis ang kanyang bagang. "Ipinapaalam niya sa akin ang pangalan ng killer. Ipinaalam niya sa akin in a way na hindi malalaman ng killer ang ginawa niya."

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon