WA [DR] 47 - Actions Without Words

50.6K 1.8K 479
                                    

Surprise surprise! Enjoy! Don't forget to tweet me @loyd_dr with #WADR47

WA 47 – Actions Without Words

He chose her over me. That's a real fact. I immediately disregarded the thought when I felt the sudden change of atmosphere. Naging mainit ang dalang hangin ng paligid. "Sorry." I whispered. Hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Galing kaming infirmary kanina, and we found out that I am really sick! "Magpahinga ka kaagad pagkapasok natin. I'll tuck you to bed." He retorted.

Alam kong naiinis sa akin si Briz ngayon dahil sa pagiging matigasin ng ulo ko. Indeed, I am a troublesome and a stubborn freak! Hindi ako marunong makinig. Siguro dahilan na rin 'yon para mailagay ko parati sa kapahamakan ang sarili ko. Should I really blame myself for being like that? Oh, goodness, no!

"Sabi mo eh." Sagot ko nalang. Ayoko na makipag-away sa kanya.

I had enough earlier.

As we enter the building, rinig na namin ang tawanan ng mga taong nasa loob ng dorm. Pagkapasok namin, tumambad sina Stan, Wina, Uryll, Daphne, at iba pang mga ka-dorm namin. They're having fun. Sabay silang napalingon sa gawi namin.

Suot nila ang malalaking ngisi sa mga labi nila. "Hey, Briz, where have you been?" Tanong ni Arlo—Junior na. "Kanina ka pa namin hinahanap. Bigla ka na lang kasing umalis." Ngumisi siya ng makita ako. "Hi, Firey." Bati niya sa akin.

Napairap ako sa pagtawag niya sa akin ng Firey. Mas lalo lang siyang ngumisi sa akin dahil sa reaksyon ko. Malamang, alam niyang maiinis ka. Mukhang timang lang. Bigyan ba naman ako ng nickname. Inis.

"Sinamahan ko siya." Turo sa akin ni Briz—bilang sagot na rin sa tanong ni Arlo sa kanya. "May sakit. Tigas pa naman ng ulo nito." Dagdag niya.

Sumama ang tingin ko. "Ano?" Mahina kong tanong. Ghad! Ang sakit ng ulo ko. Para talagang pinupukpok. Sinalamin niya ang ngisi ni Arlo kanina. Umirap ulit ako. "Parehas talaga kayo ng ugali." Sambit ko at lumapit sa kanila—leaving him laughing his ass out.

Tumabi ako kay Wina, "Are you okay? Namumutla ka pa rin." She asks.

I slowly noded, "Okay na ako. Nabigyan na ako ng gamot kanina." Sabi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng naroon. Dumapo ang tingin ko kay Daphne na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Hi. You're okay now? Sabi kasi ni Zachy may sakit ka raw." Sabi niya.

Why is she smiling like that? That smile makes me feel guilty. And, the way she says Uryll's second name... nakakapanibago. Para bang napakahalaga niyang tao dahil siya lang ang nag-iisang nakakagamit ng pangalan na iyon sa pagtawag kay Uryll. She's really special for Uryll. Ni walang bahid ng anong pagkairita pagtawag niya sa kanya.

Mahina akong tumango. "Hi. Welcome back." Bati ko rin sa kanya. Ngumiti ako—kahit na nagmumukhang pilit. "Oo. Okay na talaga ako. Nakapagpatingin na ako sa infirmary kanina." Nakakailang ulit naba ako sa pag sagot ng parehong tanong?

Ngumiti ulit siya, "Mabuti naman." Saka niya ibinalik ang tingin kay Uryll na nakatitig rin sa akin. Tumaas ang kilay niya habang sinusuri ako—more like glaring at me. Kaagad niya rin 'yon iniwas nang kinausap siya ni Daphne. Now, he's attending to whatever she is saying.

Hindi rin ako nagtagal sa sala. Kinukulit kasi ako ni Briz na magpahinga na sa kwarto ko kasi may sakit raw ako. Everytime I'm trying to complain, he also have his reasons. Tandem sila ni Arlo sa pagkumbinsi sa akin na umakyat na. In the end, wala rin akong nagawa dahil panay siko sa akin ni Arlo na tinabihan pa ako para kulitin. Minsan iniisip ko, si Arlo mas bata pa kesa sa amin.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon