Chapter 49: Tammy

384K 13.4K 4.2K
                                    

Tamara's POV

"Wala ka pa bang balak umuwi? Kanina ka pa nakaupo diyan. Naglalaro ka lang naman ng bote ng tubig."

"Nagcoconcentrate ako. Huwag kang maingay. Tuloy mo lang 'yang ginagawa mo."

Anong concentrate sinasabi nito? Hinahagis lang naman niya 'yung bote tapos tinitingnan niya kung tatayo pagbagsak. Nag-iingay lang ang isang 'to eh.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng essay para sa assignment namin sa isang subject. Kaya lang sobrang nadidistract ako sa tunog kapag bumabagsak ang plastic bottle sa sahig. Hindi ko na napigilan kaya pinalo ko ang lamesa at hinarap si Nate.

"Pwede bang huwag ka muna mag-ingay? Ako ang naiistorbo niyang pag-iingay mo, eh. Ako ang nagcoconcentrate sa pagsulat dito tapos ikaw naglalaro lang diyan. Kunsiderasyon naman."

Tiningnan niya ako sandali at inilapag ang bote sa tabi niya, "Ayan, tuloy mo na," sagot niya at nag peace sign.

Hindi na ako nakipag-away o nagreklamo. Ayoko ng pahabain pa 'tong usapan na 'to kasi kailangan ko na talagang umuwi at gustong gusto ko nang humiga at magpahinga.

Hindi rin naman nagtagal at natapos ko na ang ginagawa ko. Nang mapatingin ako kay Nate na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig, mukhang nag-eenjoy naman siya. Nakaearphone siya at parang baliw na nag hehead bang.

Iniligpit ko ang gamit ko at mukhang napansin niya naman 'yun kaya tumayo na siya at lumapit sa akin.

"Tapos ka na?" Tumango ako bilang sagot. "Uwi na tayo."

"Hinintay mo lang ba ako?"

"Hindi ba halata? Ano ba 'yan, Tammy."

Hindi ko na naman mapigilan ang mapairap nang marinig ang tawag niya sa akin. Binigyan pa ko ng bagong pangalan nito. Kainis.

"Bakit ba kasi naghintay ka pa? Sana sumabay ka na lang sa iba umuwi. Edi sana nakauwi ka na sa inyo 'di ba?"

Naglakad na kami palabas ng room. Napakamot siya sa ulo niya.

"Ayoko kasing istorbohin 'yung mga 'yun. Supportive na kaibigan ata ako," proud na proud niyang sagot.

Hmm. Kung sabagay. Napapansin ko nga lately kapag uwian madalas magkasama si Piper at Hunter. Tapos si Warren naman madalas si Hailey ang kasama. Kaya nga siguro panay buntot nitong si Nate sa akin noong mga nakakaaraang araw. Wala kasing masamahan umuwi. Kawawa rin naman kung tutuusin.

"Kung pakiramdam mo naiiwan ka na nila, sabihin mo. Kung na-o-OP ka na sa kanila kasi sila ang madalas na magkakasama, ipaalam mo. Wala namang mawawala sa 'yo kung gagawin mo 'yan."

Napahinto siya sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto rin. Tiningnan niya lang ako at maya maya lang ay humagalpak na sa pagtawa. Ano namang problema ng taong 'to? Nababaliw na naman.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglakad. Maiwan siya diyan. Nababaliw na. Tumatawa na lang mag-isa basta basta.

"Hoy! Iniwan na nga nila ako, iiwan mo rin ba ako?" Hindi ko siya pinansin dahil halata naman na iniinis lang niya ako. "Sorry na. Natawa lang kasi ako sa 'yo. Seryoso ka masyado. Hindi ko naman kasi naisip na naiiwan ako. Pag-uwi ko sa bahay kami kami rin naman ang magkakasama. At isa pa, kasama naman kita. Isang barkada tayo 'di ba? Kung may sariling mundo si Piper at Hunter pati na rin si Warren at Hailey, may sarili rin naman tayong mundo."

Ano na naman sinasabi nito? "Mag-isa ka sa mundo mo," sagot ko sa kaniya na tinawanan lang niya.

Nag-aabang ako ng jeep nang biglang umulan. Kung swineswerte ka nga naman, naiwan ko sa bahay 'yung payong ko dahil inayos ko ang bag ko kanina.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon