Chapter 50

1M 20.5K 9.1K
                                    

Chapter 50

Hinga ng malalim, Alys!


Breathe in~


Breathe out~


Naglalakad ako ngayon palabas ng unit ko with matching nanginginig na paa! Paano ba naman, sobrang atat nila Dad at Tita Lian, pinalipat agad ako kagabi! Ewan ko nga kung papano nila napapayag si mommy na lumipat ako agad agad. Oh, well, hindi ko na yan concern! Ang concern ko ngayon ay kung papano ako makakababa mula 19th floor ng hindi kami nagkakasalubong ni Drake!


Hindi pa nga ako kumakain ng breakfast kasi gumising talaga ako ng maaga para hindi kami magkasabay. Alam ko, ang first class ni Drake ngayon ay 7, so malamang aalis siya ng mga 6:30 dahil 15 minutes drive mula dito hanggang SCA. Alam ko yan noh! Ex girlfriend ako, remember? Syempre may access ako dati sa mga schedule ni Drake!


Dahan dahan kong binuksan yung door knob. Huuu! Way to go, Perez!


"Good morning."


O____________O


"D-Drake?"


Lord, sabi ko nga po dapat hindi na ako nagwish na magka condo. Binabawi ko na po ang wish ko.


Ngumiti siya sa akin. "Have you eaten your breakfast?" sabi niya. Mukha akong estatwa kasi nakatulala lang ako sa mukha niya. Grabe! One week kaming hindi nagkita... Pero hindi. Break na kayo, Alys. Wag mong alisin sa utak mo yan!


Tumango ako. "Kakakain ko lang. Sige, alis na ako," sabi ko tapos nilagpasan ko siya.


O____________O


BAKIT NAMAN NGAYON PA?!


Natawa bigla si Drake. Paano ba naman, ang napakagaling kong tyan, nakicooperate pa sa akin! Ngayon ka pa nagpahayag ng pagkagutom, of all times?!


Lumapit sa akin si Drake at hinawakan yung braso ko. "Let's eat?"


Umiling ako. "Ayoko..."


Nawala yung ngiti sa mukha niya. Ano, susuko ka na naman? Grabe. Bakit ka ganyan?


"Drake, one week na tayong break. One week, alam mo yun? Ni hindi ka nag effort na kausapin ako sa loob ng one week na 'yun. Tapos, ano? Ngayon bigla kang susulpot para ayain akong magbreakfast. Okay ka lang?"


"I gave you time..."


Hinarap ko siya. "Bakit, nanghingi ba ako ng time?"


Nagbuntong hininga siya. Mukhang naguguluhan siya sa akin. Ako din naman, naguguluhan ako sa sarili ko. Fair lang yun!


Tumingin siya sa akin. "It's my fault, I'm sorry," sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Will you eat breakfast with me now, then?"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon