Making Vicerylle

4.7K 184 35
                                    

General POV

"Vice naman, wag kang manigaw aba. Sinigawan ba kita?!" sigaw ni Karylle.

"K-karylle?!?! Bat ka nandito?" tugon ni Vice.

"Magfafangirl." simpleng sambit ni Karylle.

"Kurbaaaaa!!! Bat ka nga nandito?" said Vice.

"Tsaka, paano ka napadpad dito?" dagdag pa niya.

"Nilakad ko lang. Lapit lang pala sa bahay." pilosopong sagot ni Karylle.

Natawa naman si Karylle sa kanyang sagot, tinignan nya si Vice na naiinis na. "De, ganto kase yun." panimula ni Karylle.

Flashback

Noong araw na kukuha na si Ms. Olive ng tickets papuntang London, tinawagan sya ni Karylle.

"Oh, Karylle? Napatawag ka?" panimula ni Ms. O.

"Um, 'te olive, nakuha ka na ng tickets nyo?" said Karylle.

"Yup, bakit?" tanong ni Ms. O.

"Um... tinatanggap ko na kase yung offer ni Vice na ako yung leading lady nya..." tugon ni Karylle.

"Naku, wag ako kausapin mo. Si Anne. Ngayon din sila kukuha ng ticket ng team nya. You better contact her now." sambit ni Ms. O.

"Okay 'te. Salamat!" at binaba ni Karylle ang linya.

Agad naman nyang tinawagan si Anne ngunit hindi ito nasagot.

"Paano na to. Jusko." tugon ni Karylle sa sarili.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na natawag si Anne sakanya. Agad nya naman itong sinagot.

(Hey babe, sorry I didn't answered your call. I'm driving kase. What's up?) tugon ni Anne sa kabilang linya.

"Um, Anne? Favor naman oh?" sambit ni Karylle.

(Anything for my sister's sweetheart, what is it?) tanong ni Anne.

"Kung pwede, ako nalang sana yung leading lady ni Vice sa movie nya? But please don't tell him. Gusto ko kase makabawi sakanya." tugon ni Karylle

(Babe, I got your tickets already. Kailan mo kukunin?) said Anne.

"Ha?! Paano mo--"

(Toni called me awhile ago, good thing na nasa ticket office na ako that's why pangalan mo nilagay ko sa ticket. And actually, nandito ako sa lobby ng D.I.C, May balak ka bang magpakita sakin?) masayang sambit ni Anne.

Nagulat naman si Karylle sa narinig kaya agad syang bumaba patungo sa lobby. Pagkababa nya, nakita nya agad si Anne na nakaupo sa waiting area.

"Anne, thank you!" tugon ni Karylle at niyakap si Anne.

"No problem, babe. It's so sweet of you for suprising Vice. Never nya naexperience na bigyan ng suprise ng jowa nya. He's so lucky to have you. If I were a lesbian, I'll marry you." sinserong tugon ni Anne.

Naantig naman si Karylle sa sinabi ni Anne, "Gusto ko lang kaseng makabawi sakanya. Sobra sobra na kase yung love na binibigay nya sakin. Ngayon gusto ko ako naman ang magsusupresa sakanya." sinserong tugon ni Karylle.

"You guys are lucky to have each other. I ship you both!" kinikilig na tugon ni Anne.

Napangiti naman si Karylle sa narinig, nagkwentuhan sila ni Anne saglit at nilisan na ni Anne ang kompanya.

End of Flashback

"Okay na?" tugon ni Karylle na nakathumbs pa kay Vice.

Hindi nagsalita si Vice nang panandalian, nang nagsink in sakanya ang supresa ng jowa, agad nya itong niyakap.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon