Chapter 8 : Afraid

79.8K 2.3K 248
                                    


[ D E R E E N ' S  P O V ] 




"K-kakayanin niyo i-to. A-andito p-pa si Alex. Po-protektahan n-niya k-kayo. Huwag t-tayong mawawala--n ng pag-asa. Mabubuhay tayo --" 



Ang napakaamo niyang mukha na nagpapakita na ng senyales ng puyat, pasakit, hirap, pangungulila, at takot. Hinding hindi ko nga siguro makalilimutan iyon. Kahit na ba pinupuno ng droga at ng kung ano anong gamot ang katawan ko, kahit na ba hirap na hirap na ako noong mga panahong iyon, makita ko lang ang pagningning ng mga mapupungay niyang mata ay sapat na. Sapat na ang ningning ng mga iyon para yakapin ako ng pag-asa at tapang na balang araw makakatakas din ako sa seldang iyon. Paano ko nga ba makalilimutan ang babaeng nagpalakas din ng loob ko? 



Lorraine, ikaw nga ba ang nakita ko noong gabing iyon? Pero hindi ba't patay ka na? Dinadalaw namin ang puntod mo ng kada taon, iniisip na nasa tahimik at mapayapa ka ng lugar. Namalik mata nga lang ba ako o sadyang katotohanan na nabuhay kang muli? 



"Hey, Dereen. Ba't ka nandito? Nagsisimula ng mas maging masaya 'yung celebration natin para kina Sky at Fiacre eh!" rinig kong tawag sa akin ni Courtney. 



Nakatambay kasi ako ngayon dito sa may balcony ng second floor ng bahay nina Fiacre. Nakaupo lang ako may mga balustrade habang nakalatag ang mga binti ko rin sa mga ito at nakasandal naman ang likod ko sa pader. Sa nakalawit ko namang kanang kamay ay hawak ko ang isang wine glass na may laman ng red wine. Sinadya ko talagang pumwesto sa parteng ito ng bahay dahil dito ko mas lubusang kita ang hardin kung saan ko nakita si Lorraine. O hindi? 



"Susunod na lang ako." munting sagot ko at muli kong ibinalik ang tingin ko sa may hardin. Hindi ko alintana ang posibilidad na mahulo ako rito dahil sa sobrang kuryosidad ko sa hardin dahil hanggang ngayon binabagabag ako ng imahe ni Lorraine hanggang sa panaginip ko. 



"May problema ba, Dereen?" narinig ko na namang pangangamusta sa akin ni Courtney. Sa totoo lang dapat masaya ako ngayon. Sinagot na ni Fiacre sa Sky after how many years. I should be happy dahil narealize na rin ni Fiacre ang importance ng existence ni Skyzzer sa buhay niya. But why am I confused right now? Lorraine, why are you doing this to me?! 



Huminga ako ng malalim. "Wala naman. Gusto ko lang muna mag-isip isip ngayon kaya humihiwalay ako. Sige na, bumalik ka na sa baba. Susunod na lang ako. I promise." hirit ko upang tuluyan na niya akong iwan. Wala akong narinig na imik. Ang sumunod ko na lang na nadarama ay ang mga mahihinang yapak niya paalis. 



"Dereen, kahit na mukhang gago at tanga 'yang si Sanchez, mahal na mahal ko 'yan. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Ang dami dami namang lalaki ang nagkakandarapa sa akin pero siya pa rin. Ano bang meron sa kanya? Ang alam ko lang hindi nabubuo ang araw ko kapag wala 'yung kakulitan niya. He's a very precious person to me. Ayoko siyang masaktan sa kahit anong paraan. Naging manhid nga siguro ako dahil hinayaan ko lang na ma-misunderstood ang mga pinapakita ko sa kanya." inaalala ko 'yung gabing nag-inom kami kami kasama si Alex. Siyempre hindi na alak ang pinainom namin kay Alex dahil nga makakasama iyon sa bata. Pero kaming tatlo, laklak lang kami ng laklak dahil pare-parehas kami may iniintinding problema rin sa pag-ibig.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon