Chapter 4: Phases and Faces

4.7K 93 24
                                    

Limang araw ko nang hindi nakikita si Peter Lo. Hindi rin siya nagpaparamdam sa akin. Hindi ako mapalagay. Na-off ba siya sa sinagot ko sa kanya? May mali ba sa sinabi ko? Bakit ba kasi ako nababahala ng ganito? Isang araw lang naman kaming lumabas. Wala naman siya sinabi sa akin na magkikita ako after nun.

Siguro sumama yung loob niya sa akin nung gabing yun. Sino nga naman bang hindi maaasar sa sinagot ko?

Flashback

"...ganung klaseng tao rin ba yung ine-expect mong Peter Lo?"

"Oo. Pero masaya ako at hindi ka talaga ganung klaseng tao. Na-abot kamay ka pala. Hindi perfect. Mas pasok sa gusto kong maging ikaw."

Napailing ako after ko maalala yung nangyari kagabi. Siguro nga may mali sa mga nasabi ko. Hindi nga siya obligadong magtext o tumawag sakin pero sana man lang ay nagparamdam siya kahit papaano. Kahit wrong send tatanggapin ko na.

Lumapit bigla sa akin si Anna. Napansin niya ata na medyo nagda-day dreaming na naman ako. "Yumi, nasabi na ba sayo ni Boss yung balita?" tanong niya sa akin

Balita? Tungkol saan na naman kaya yun? Increase ba ng sweldo? May bonus ba kami sa katapusan?

Umiling ako, "Hindi pa. Ano ba yun?"

"Eh naghire ata si boss ng isa pang tauhan," napangiti siya bigla, "Lalaki! Tapos baka pareho kayo ng schedule kasi nirequest ni kuya. Ewan ha, di pa sure yun." sabi niya sa akin.

"Ahh. Sino daw ba yun?" tanong ko naman sa kanya.

"Ewan. Puro Yumi yung naririnig kong pangalan." Nagtaka siya bigla tapos napatingin sa akin, "Baka kapangalan mo? O baka..." napahinto siya saglit tapos hinawakan yung kamay ko, "hindi kaya si Yuki yun?"

"Imposible. Ikukwento niya kagad sa akin yun pag natanggap siya dito, pero wala siyang nakukwento e. Pati hindi ko rin siya papayagan magpart-time kaya imposible." Sabi ko naman kay Anna

"Grabe naman! Bakit?" napayuko siya habang nakatingin sa kamay niya, "Sayang naman."

Wag niya ngang sabihin sa akin na na-love at first sight siya kay Yuki! Matatawa ako pag ganun!! Hindi ko maimagine na kasama ko sa trabaho ang girlfriend ni Kuya Yuki. Pati hindi ko siya palayagan magtrabaho dito sa iba na lang siya.

Pagtapos namin mag kwentuhan ni Anna ay biglang dumating yung boss namin. May kasama siyang lalaking naka sumbrero at shades. Pero parang may kamukha siya, hindi ko lang matandaan kung sino.

Nilapitan ulit ako bigla ni Anna at habang sinisiko ay bumulong siya ng nakangiti, "Yumi, yan na siya!"

Binati namin yung may ari nung shop at lumapit sila nung kasama niya sa may counter. Lumabas kaming tatlo sa may counter para harapin sila ng maayos.

"Yumi, Ross pati Anna. Eto yung bago niyong makakasama sa trabaho." hinila niya yung lalaki sa may gilid niya, "Pamangkin ko, si Peter."

Peter? As in Peter Lo? Hah! Imposible! Pano naman magiging pamangkin nung may-ari ng shop si Peter? Ano to, joke? Bakit ba naiisip ko pa yang Peter na yan! Mamalasin lang ako ngayong araw eh. Ano naman kung hindi niya hiningi ung number ko? Ano naman kung hindi siya nagpakita sakin? Ano naman kung after nung 'date' na yun hindi na siya nag paramdam? Ikamamatay ko ba?

Napatingin ako doon sa Peter na yun. Kumaway siya bigla sa akin at ngumiti. Napansin ko lang na medyo magkahawig nga sila ng ilong ni Peter. Pati labi niya halos magkapareho. Jusko, natitigan ko ata ng mabuti si Peter. Yung buhok lang ang halos hindi pareho sa kanila. Maiksi na yung buhok nitong Peter na to kesa sa Peter ko. Teka, 'ko'? Kelan pa naging sakin si Peter Lo? Although hindi rin naman masama pakinggan. Pwede na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon