CHAPTER 13

116K 3K 521
                                    


Nagising ako nang maramdaman kong nilalaro ang mga daliri ko. At nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatitig sa akin si Gabe. Umupo ako nang maayos pero hindi ko pa rin binabawi ang kamay ko. Gusto ko yung pakiramdam na hinahawakan niya ang kamay ko.

"Gising ka na." Sabi nito saka binitiwan ang kamay ko. "6am na. Baka hanapin ka ng kapatid mo." Shoot! Sina Ravince at Gelene ay nasa kabila lang! Oh God, oh God!

Nagmamadali akong tumayo. "Kaya mo na ba? Sasabihan ko na lang si Ravince na pumunta dito. Uhh Yung food, okay lang kung egg?" Tumingin ako sa oras at kung magmamabagal pa ako ay maaaring ma-late na ako sa first class ko.

"I'm fine, Miru. Magmadali ka na lang dahil baka ma-late ka."

"You sure?"

"Oo naman. Ilang taon din naman akong mag-isa lang."

"Aalis na ako. Uhm, mag-uuwi na lang ako ng pagkain mamayang gabi."

"Huwag----" Hindi ko na siya pinakinggan dahil nilayasan ko na siya kaagad. I won't take no as an answer. Siya nga laging pinipilit na kumain ako kaya dapat lang na gawin ko rin ang mga trip ko.

Pagpasok ko sa unit ay tulog pa rin si Ravince pero si Gelene ay gising na gising na. Makahulugan ang tingin na ibinibigay nito ngayon sa akin.

"Not now, Gelene." Sabi ko sa kanya saka ako dumiretso sa kwarto ko para kumuha ng damit.

"Wala naman akong sinabi." Ngumiti pa ito. "Pero hindi ka bumalik dito buong gabi."

"Huwag kang maingay. Mamaya, iba na naman ang isipin ni Ravince."

"Uuwi na ako mamaya. Pero ipagluluto ko muna ang kapatid mo saka yung lalaki mo sa kabila." Halatang nanunukso lang siya pero kahit ganoon ay nginingitian ko na lang din siya. At least may magluluto at hindi na ako mahahassle.

***

"Nood tayong sine mamaya." Umupo sa tabi ko si Jonathan at kinuha ang librong nakapatong sa desk ko.

"Hindi ako pwede."

"Bakit?"

"Si Gabe kasi nabalian ng buto."

"Anong kinalaman naman niya?"

"Inaalagaan ko siya."

"Pakshet? Seryoso?"

"Oo."

"Miru naman. Bakit mo ginagawa 'yun? Hindi naman kayo close. Ilang weeks mo pa lang ba siya kasama?"

"Mabait naman siya sa akin kaya---"

"Hindi mo siya responsibilidad." Natahimik ako dahil sa sinabing iyon ni Jonathan. Kaagad naman na lumapit pa ang dalawa naming kaibigan sa amin.

"Anong nangyayari? Bakit parang nagagalit ka kay Miru?" Umupo rin sa tabi ko si Kevin samantalang si Erol naman ay iniharap sa amin ang isa pang upuan na uupuan niya.

"Si Miru kasi... Pagsabihan niyo nga." Naiirita nitong sabi bago tuluyang tumayo at iniwan kaming tatlo.

"Ano bang nangyari? Bakit galit na galit 'yun?"

"Masama ba na inaalagaan ko si Gabe? Nabalian siya ng buto saka masakit ang paa niya. Alam ko kung gaano kasakit 'yun kasi diba nga naaksidente ako noon?"

"Miru, kasi si Gabe kailan mo lang nakilala." Huminga nang malalim si Kevin. "Hindi naman masama 'yun pero kasi babae ka pa rin tapos lalaki pa rin 'yun. Nag-aalala lang sa'yo si Jonathan."

"Baka naman nagseselos si Jonathan." Sabi ni Erol kaya binatukan ko siya.

"Siraulo. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo dyan."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon