HGG [17]

168K 2.9K 180
                                    

Chapter 17

Janine's POV

Lumabas si Riza mula sa pinagtataguan niya. "Hehe..hi Queen"

"O Riza! Kanina ka pa diyan?" tanong ni bes. Tumango naman si Riza. "Ang galing galing mo Queen! Pano mo nalaman na nakasunod ako sa inyo?" tanong ni Riza.

"Naramdaman ko. Malakas ang sense of sensing ko eh" sabi ko naman. 

"Teka! Bat ka sumesegway! Madaya! Bakit ka nakasunod??" tanong ko. 

"Eh-ehehhe.. gusto ko lang makapanood ng gang fight" sabi niya. I rolled my eyes pagkatapos ay hinila ko na siya papalapit sa amin. 

"Quiet ka pagdating dun ah? Manood ka lang" sabi ko. Tumango naman siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa underground chuchu.

Kita ko na excited siya habang naglalakad kami papunta doon sa *toot* street. Bakit ba tamad mag-isip si author ng street name?

"Malapit na tayo" sabi ni Insan. Nakakita ako ng masikip na eskinita. Dadaan kami dyan? Salamat naman at kasya ako.

"Hoy si Lindsey baka hindi kasya!" sabi ni Ruth. 

"Aba! Ikaw ang hindi kasya!" sabi naman ni Lindsey.

"Anong hinde? Kita mo tong sexy kong katawan?? Hindi kagaya ng sayo, puro bilbil!" sabi ni Ruth.

"Sus. Nilalait mo lang sarili mo" sabi ni Lindsey.

At nagsimula na naman po silang magbagayan.

"Shh! Quiet!" saway ko sa kanila. Tumahimik naman sila at nagbalatan--este.. nagbehlatan. 

Isa-isa kaming pumasok sa masikip na eskinita na iyon at peste lang.. sobrang sikip po.

Pagkalabas namin ay huminga ako ng malalim. Aba..hindi ako nakahinga nun ah.

Napansin ko na lang na may ibang taong dumadaan sa isa pang eskinita. Tinignan naming lahat ng masama si Insan. 

"Ansama mo! Pinadaan mo pa kami sa masikip eh meron naman palang ibang pwedeng daanan!" sabi ko. Nakakainis talaga siya.

"Hehe..peace tayo insan" sabi niya. 

Di ko na lang siya pinansin at tinignan ang paligid. Aba.. andaming siga dito ah. 

Pumasok na kami sa loob ng isang pinto, ayaw kasi naming pumasok sa bintana eh. Okay. Ang korni ko. Laslas na.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon