Chapter 50: Hindi ko sinasadya

458K 14.1K 8.3K
                                    

Hailey's POV

"So.. how are you and Warren?"

Nasa may clubhouse kami ni Piper dahil wala naman kaming gagawin sa bahay. Wala rin naman kaming ginagawa dito pero mahangin kasi sa side na 'to ng subdivision kaya mas okay na dito na lang muna kami.

"Lately, nagiging closer kayo," dagdag pa niya.

"Ewan. Baka feeling mo lang 'yun kasi nalaman mo 'yung feelings ko para sa kaniya. Kaya pati mga simpleng bagay napapansin mo na."

"That makes sense," tango niya pa. "Ikaw? What do you think? Are you getting closer or nagfifeeling lang ako? If there's someone who knew better, ikaw 'yon."

I wish. Kaya lang ang hirap timbangin lalo na at bestfriend ko siya. Close kami, given na 'yon. Kaya lang lately kasi parang.. ewan. Parang may iba. May kakaiba. Siguro nga nagiging mas close na kami. Siguro nga may chance na.. ah, hindi. Hindi. Papaasahin ko na naman sarili ko. Huwag na lang.

Hindi na lang ako aasa. Hindi na lang ako magbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Kaya lang gusto ko siya. Dahil do'n, may mga bagay na kahit wala namang meaning para sa kaniya pero bibigyan ko ng meaning. Kasi nga gusto ko. Kasi nga aasa pa rin ako. Kasi nga may malisya pa rin sa parte ko.

Bwisit naman. Gulo.

"Magulo. Hindi ko na alam. Susunod na lang ako sa agos."

Tinapik ako ni Piper at saka nginitian, "Liking someone is a magical feeling. It's like a fairytale, or better than that actually. You get butterflies just thinking about that person. Your mood lightens up just because you saw that one guy." Lumawak pa ang ngiti niya at saka tumingin sa malayo. "You know that feeling? You're happy just knowing that you're about to see him, talk to him, touch him, stand or sit next to him. If you focus on that feeling, even when you get hurt in the end.. everything's still worth it."

"Alam na alam mo ha. Based on experience ba 'to?"

Nawala 'yung ngiti at saka ulit ako tiningnan at nagpatay malisya. Obvious masyado.

"You're lucky he likes you." Halata sa mukha niya ang gulat kasi alam ko na gusto siya ni Hunter. Bago pa man niya maitanong ang gusto niyang itanong ay sumagot na ako, "Halata naman. Kung si Nate nga nahalata. Isipin mo.. si Nate na 'yon, ha?"

Natawa siya sa sinabi ko at sakto naman na dumating si Nate at umakbay sa aming dalawa ni Piper, "Narinig ko pangalan ko. Pinag-uusapan niyo ko?"

"Oo. Binabackstab ka namin."

Hinila niya ang magkabilang pisngi ko, "Sige. Kunyari naniniwala ako." Napabitaw lang siya nang paluin siya ni Piper.

"Saan ka nagpunta kagabi? Hinahanap ka sa amin ni Tita Zoe. Gabi na pero wala ka pa sa inyo."

"Nagpakagentleman ako. Hinatid ko si Tammy kasi walang payong. Lakas pa naman ng ulan kagabi."

"Buti naman at - "

"Ah! Alam niyo ba may sakit 'yung tatay niya. Pero ubo lang naman. Baka natrangkaso o ano. O kaya dala ng over fatigue. Sobrang sipag kasi. Manang mana si Tammy sa kaniya."

Minsan hindi ko maisip kung bakit kung sino pa ang masipag sila pa 'tong kinakapos sa pera. Kung sino 'yung mga nakaupo lang o walang ginagawa, sila pa 'tong mga sagana. Matanong nga minsan kila Tito Ken.

"That's true. She's so hardworking and - "

"Tapos hanep! Parang si wonderwoman. Hindi ko nga alam kung nausuhan pa 'yun ng tulog. Pagkagaling sa school, diretsyo work na siya. Kung wala naman siyang trabaho mag-aayos pa siya sa bahay nila. Tumutulong sa gawaing bahay. Todo aral pa rin para maimaintain 'yung grade niya. Tulog na lang niya ang pahinga. Bihira pa."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon