CHAPTER 215

4.1M 69K 251K
                                    



DEIB LOHR'S POV

"DEIB LOHR, hijo? Hi. What are you doing?" Nangibabaw ang tinig ni Maze habang abala ako sa kusina. Nakatingin siya sa ginagawa ko nang lingunin ko.

"Ipinagluto ko ng agahan si Maxpein, pasensya na po kung nakialam ako." Ngumiti ako nang todo.

Natawa naman siya. "Pwede ko bang makita?"

Lumapit siya at tiningnan ang tray na inihanda ko. Omelet, dalawang toasted bread and butter, at orange juice ang inihanda ko.

"Where did you get this?" Natatawang itinaas ni Maze ang maliit na vase na sinadya kong ilagay sa tray. Nilinis ko pa nang maigi 'yon kanina bago magluto.

Napapahiya akong nagkamot ng ulo. "Pinitas ko lang diyan sa barukan niyo, President Moon. Pasensya na, hehehe."

"Sweet ka, ah?" nakangiwing niyang sabi. Lalo akong napakamot sa ulo habang nakangiti. "Pero mas magiging sweet ka siguro kung tatawagin mo akong tita."

Sandali akong natigilan at saka napangiti. "Sige, tita..." Naiilang ako.

"Sige na, ipanhik mo na sa kaniya iyan at baka maunahan ka pa no'ng gumising."

"Sige po." Tinanguan ko siya at saka binuhat ang tray na inihanda ko.

Nakangiti akong umakyat hanggang sa makarating sa kwarto ni Taguro. Lalo akong nangiti nang makitang 'ayun siya, akala mo hindi na humihinga. Deretsong-deretso sa pagkakahiga habang magkakrus ang mga braso. Wala pa ring emosyon ang mukha niya at matindi ang pagkakasalubong nga mga kilay. Pero kahit na gano'n ay para akong kinikiliti sa kung saan-saang parte ng katawan habang pinagmamasdan siya.

Grabe. Biruin mo, malabo kami pero hinayaan niya akong matulog sa sofa na nasa kwarto niya? Bwahahaha! Ang sweet-sweet niya! Akala niya siguro ay natutulog na ako kagabi? Hindi niya siguro alam na sinisilip ko siya! Nakikita ko siyang nakatitig sa 'kin! Bwahahaha!

"Tch. Gusto lang yata nitong kiligin kaya nagpapaligaw pa sa 'kin, hahaha," bulong ko sa sarili.

FLASHBACK

"Taguro?" tawag ko sa kaniya habang nakaupo siya sa sofa at nakaulo ako sa mga hita niya.

"Hm?" ungot niya habang hinihimay ang buhok ko.

"Anong pakiramdam mo habang sinasabi mo sa 'kin 'yong masasakit na salitang sinabi mo no'ng makipaghiwalay ka sa 'kin?"

Nadinig ko siyang bumuntong-hininga. "Para akong pinipigilang huminga." Seryoso niya akong tinitigan sa mga mata. "Ikaw ang lahat sa 'kin, Deib. Lahat ay kaya ko at kakayanin ko, para sa 'kin at sa taong importante sa 'kin." Nakita ko siyang lumunok bago tumingin sa iba. Mamasa-masa na ang mga mata niya nang muling tumingin sa akin. "Pero 'yong saktan ka nang sadya at palayuin bigla sa 'kin, 'yong pakiramdam na kailangan kitang saktan at iyon na lang ang nakikita kong paraan, sobrang hirap. Sobrang sakit." Ngumiti siya nang pilit at hinaplos ang noo ko. "At mas nasasaktan pa ako sa t'wing maiisip ko 'yong nararamdaman mo. Kasi kung nasaktan ako, alam kong higit pa ro'n 'yong sakit na naramdaman mo." Hindi ko inaasahang tutulo ang luha niya matapos sabihin 'yon, na agad niya rin namang pinahiran. "'Buti hindi ka sumuko sa 'kin."

Tiningnan ko siya sa mga mata. Hindi ko magawang ngumiti dahil masiyado akong emosyonal. "Bukod kasi sa mahal kita, iyon ang hiniling mo sa 'kin. Ang 'wag kang sukuan kahit nasasaktan mo na ako. Tch. At hindi rin kaya ng puso ko. Hindi ko kayang alisin agad 'yong nararamdaman ko sa 'yo."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon