[46] Cause it'll never be over, until you tell me it's over.

5.7K 81 43
                                    


A/N:
Patch and Lewis ba kamo? After niyong mabasa ang chapter na to, isa lang ang masasabi ko—PEACE. ✌✌✌✌✌✌


xxx

Chapter Forty Six

SAGE

“PADILLA! PAPATAYIN KITAAAAAAA!”

Naghabulan lang kami dito ni Aicel sa field. Nakakahiya nga dahil marami na ang nakakakita sa amin at nagmumuka na kaming isang malaking tanga. Haha. Buti na lang at mabilis akong tumakbo, kundi makakalbo ako ng hindi oras dahil kay Aicel.

“PADILLA!” She managed to say my name between her breaths. Napayuko na siya habang nakahawak sa kanyang tuhod at pilit na hinahabol ang kanyang pag-hinga.

Mukang napagod na ito at hingal na hingal siya.

Lumapit na ako sa kanya upang i-check kung okay lang siya. Kaso, nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, nakatanggap ako ng isang malakas na *POK* —Batok! (-___-’)

Napahimas agad ako sa ulo kong nasaktan. Tss. “Aray ha! Brutal ka talaga.”

“Yung filler ko! Walanjo ka! Huwag mong sabihin sa aking na kay Lewis yon!” Aicel gritted her teeth with anger. Halatang gigil na gigil siya sa kanyang facial expression at mukang pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na sakmalin ako.

“Okay, hindi ko sasabihin.” Nakangiti kong sabi.

Bigla niya akong hinampas sa balikat ko. Tae! Bigat talaga ng kamay ng babaeng to. Sakit ha!

“Ano ba, Sage! Hindi ako nakikipagbiruan sayo.” Naiiyak niyang sabi sa akin. Pero ano bang magagawa ko kung na kay Lewis nga ang filler niya? Ugh.

“Hindi ko naman kasi alam na yun pala ang nakuha niyang filler. Tsaka malay mo naman, hindi pa niya nababasa yon.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Ang totoo kasi niyan, kinakabahan rin ako. Baka nga nabasa na niya ang mga kalokohan ni Aicel sa filler. Grabe! Imbis kaya kiligin, e kinilabutan ako sa mga love letter niya. Pero may konting part rin sa akin na naiinis kasi sana para sa akin na lang ang filler na yun. =___=

“Ahhhhh! Anong gagawin ko?” Hinawakan niya ang braso ko at inalog-alog iyon na parang batang nagsusumbong sa nanay niya. Para ngang paiyak na siya e. “Anong gagawin ko, Sage? Paano kapag nabasa na niya yon? Ahhhhh!”

Gulp. Shet. Bading na kung bading pero kinikilig ako na hawak niya ang braso ko ngayon. Hahaha! Sige lang Aicel, huwag mong itigil yan. Kinikilig ako. Hahahaha!

“Wag ka ngang parang bata diyan.” Hinawakan ako ang kamay niyang nasa braso ko, and I stared at her eyes intently. Muka ngang nag-aalala ito. I gave her an assuring smile. “Ako ang bahala. Don’t worry.”

“S-Sigurado ka ha?” Napa-atras ako nang tutukan niya ako ng—baril. Haha. De joke lang. Tinutok lang naman niya sa akin ang hintuturo niya. Grabe! Muntik na masundot ang mata ko.

“Oo. Sige, may klase pa ako e.” Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil tumakbo na agad ako. Baka kasi mahalata pa niya ang pamumula ko. Shet.

Ang bading ko talaga pagdating kay Aicel. Aish! Alam niyo bang kahit sinabi niya sa aking pagkatapos ng one month deal namin ay matatapos na rin ang pagka-gusto niya kay Lewis, hindi ako naniwala? Alam kong hanggang ngayon, may gusto pa rin siya kay Lewis. Hindi iyon basta basta mawawala. Ako nga eh, bata pa ako nung nagka-gusto ako kay Aicel. Pero hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Ang hirap kayang magmove-on.


Hindi na ako pumasok sa klase ko. Kailangan kong makita si Lewis ngayon. Kailangan ko siyang maka-usap. Agad kong hinanap si Lewis sa buong campus. Kailangan naming i-settle ang lahat ng to bago pa lumala.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon