Chapter 22 "Rejection"

93.7K 3.5K 1K
                                    

a/n:Pasensya na kung natagalan.Dedicated kay _Aliena.:)


Ken's POV

Bumaba ako sa kotse ko para buksan ang pinto sa side ni Nicka.Kakahatid ko pa lang sa kanya dito sa bahay nila galing sa clinic ng ophtalmologist nya.Inabot na rin kami ng gabi dahil sa traffic.

Pagkababa nya sa kotse ko ay nginitian nya kagad ako pero kitang-kita naman na pagod na sya.

Dahan-dahan ko syang niyakap na ginantihan nya naman kagad.

"Kumain ka muna bago ka magpahinga,ha?"

Bulong ko sa kanya.Hindi sya nagsalita pero naramdaman ko naman na tumango sya.

"Nakakapanibago talaga kapag tahimik ang Cola ko...."-Ako

Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.Mukhang inaantok na talaga sya.Pipikit-pikit na eh.

"Sige na.Pumasok ka na."-Ako

Hinalikan ko sya sa ilong ng isang beses bago ko sya binitawan.

"I love you."-Ako

She smiled again.

"I love you too."

Sabi nya bago nagsimulang maglakad papunta sa front door ng bahay nila.Napahimas na lang ako sa batok ko.

Hay...may nakalimutan sya.

Nagulat ako nung bigla syang tumakbo pabalik sakin.Ipinulupot nya ang dalawang braso nya sa leeg ko kaya napayuko ako.She kissed my nose for three times.

"Kala mo,nakalimutan ko no?"-Nicka

"Geez...magtatampo na sana ako eh."-Ako

Tumawa sya bago nya ulit ako halikan sa ilong.

"Magtext ka sakin pag nakauwi ka na.Drive carefully,okay?"-Nicka

I nodded while smiling sweetly.She released me from her hug and went straight to the door.Bago sya pumasok,tumingin pa sya sakin.I waved my hand like I'm saying 'Go on.'

Nung tuluyan na syang nakapasok,sumakay na ulit ako sa kotse ko at pinaandar yung engine.Habang nagda-drive ako,may tumawag sa phone ko.Sinuot ko yung bluetooth headset tsaka ko sinagot yung tawag.

"Hello?Si Mr.Cute to."-Ako

[Tigilan mo nga ako,Ken.Ang lakas mong makasira ng gabi.]

Oh!Si pareng Louie pala!Mukhang bad mood si kapatid ah...

"Louie babes naman!Wag masyadong masungit.Bakit napatawag ka?"

[Nasaan ka ngayon?]

"Driving on my way home.Why?"

[Pwede bang...alagaan mo muna sila Lexie?]

Halos mapahinto ako dahil sa sinabi nya na yun.

"What?"

[May kailangan lang akong puntahan ngayon.Walang magbabantay sa mga kapatid ko.Ken,please.Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo.]

Woah!Is this real?He said 'please'?Teka nga...bakit kailangan nya pa ng magbabantay sa mga kapatid nya?Madami silang katulong ha?

"Wala ba kayong ibang kasama dyan sa bahay nyo?"

Ilang minuto syang tumahimik.Nakailang buntong-hininga pa nga sya.

Whooo...I sense trouble.

[Umalis na kami sa bahay,Ken.]

Wala sa sariling natapakan ko yung break.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon