Chapter 26

416K 11.8K 712
                                    

Chapter 26

Happy New Year

Frans Abigail's POV

"Ha?" Tanong ko kay Apxfel. Hindi ko kasi naintindihan ang sagot nito nung tinanong ko kung ano ang pinag ke-kwentuhan nila ni Calix. Cookies? Ano daw?

He just shrugged.

Pag dating namin sa kusina, tutulungan niya na daw ako sa ginagawa ko kaya naman mabilis na din kaming natapos.

It's almost 7:30 pm at ang dami na din ng mga bisita. Hindi na nga kami magkakitaan nila Calix.

Kukuha na kami ng pagkain ni Apxfel nang inaya kami ni Tita na kumain doon sa long table nila. Pag dating namin nandoon pala si Calix pati yung ibang kamaganak nila na kilala ko naman. Pinsan niya pati ang mga tito at tita nito.

"Hello po." Pag bati ko.

"Uy Frans! Long time no see!" Sabi ni Tita Jane at nakipag beso ito. Pinakilala ko din si Apxfel sa kanila.
Gwapong bata daw sabi nila.

Ang sarap ng mga luto ni Tita Sharlene, naalala ko nung nasa Tagaytay pa kami.

"Tita walang kupas pa din ang luto niyo." Sabi ko dito.

"Si mama lang ang kupas na Abi." Sabi ni Calix na ikinatawa naman naming mga nasa lamesa.

"Ah ganoon anak ha! Sige ka hindi na kita lulutuan. Lalo na yung favorite niyong spaghetti ni Frans." Biro ni Tita.

"Naalala ko dati Tita, nalingat lang ata ako pag tingin ko ubos niya na yung isang bandehadong pasta. Grabe!" Sabi ko habang natatawa.

"Hoy platito lang kaya yun. Ikaw 'tong naka bandehado." Sagot ni Calix at natawa nanaman kami.

"Platito ka dyan. Kahit nga yung cake ni Tito Martin non kinain mo, akala mo kasi sa akin. Takaw!"

"Naaalala ko yun! Pinagalitan ko si Calix non at itong si Frans tawa ng tawa." Saad naman ni Tito Martin.

Natawa nanaman kaming lahat.

-

Christan Apxfle's POV

Tahimik lang ako hanggang matapos yung kainan. Sino ba naman ako para mag salita doon, hindi ba?

Wala naman ako nung mga panahong 'yon. Hindi ko din naman masisisi si Abigail because that is her past. Her happy past. But I can't help to feel jealous.

Hindi ako naiinis dahil na out of place ako kanina, naiinis ako dahil di ko matanggap na mas marami nga talaga silang napagsamahan nung Calix na yun. Mas marami silang alaala. Kung titignan, parang higit na kilala ni Calix si Abigail kaysa sa akin na boyfriend niya. And I hate it.

Pagkatapos ng kainan sabi ni Abigail na umalis na kami. Kaya naman nag paalam na kami sakanila. Abigail said she made plans for us.

"May problema ba?" Mahinahong tanong ni Abigail pagkasakay namin sa kotse.

Umiling lang ako.

"Alam kong may problema. Kilala kita." Sabi nito sabay na hinawakan ang kamay ko. "Pag usapan natin. Please?" She begged. Wala na, kahit anong sabi ko sa utak ko na wag, na iwasan na lang 'tong nararamdaman ko.. in just her simple please, my mind betrayed me.

"I just.. I just hate the fact that you and Calix have a lot of memories together." Abigail looked at me. "Reality just slapped me hard. Na close talaga kayo, and I am just someone you met a couple of months ago."

"I'm sorry-"

Pinutol ko siya. "Okay na yun, what can I do? Ganon talaga eh. I can't turn back time and wish na sana magkababata rin tayo o kung ano man."

I don't know what I am thinking but I just put on my seat belt and drove.

Tahimik lang kami sa byahe. I was shocked nung pilit na niliko ni Abigail yung manubela.

"Abigail, what are you doing?" Tanong ko rito.

"I told you I made plans. Please iliko mo." She said.

Niliko ko agad ang kotse and followed the directions she gave.

Sobrang tagal nang biyahe pero hindi ko siya kinwestiyon. Bumaba kami sa lugar na hindi ko alam. Agad na bumalot ang mababang temperatura. Ang lamig.

Maraming mga puno, may mga iilang upuan. Higit sa lahat tahimik ito at tila kaming dalawa lang ang naroon.

Umupo kaming dalawa. Ang ganda ng lugar, para bang nasa gitna kami ng mundo.

-

Frans Abigail's POV

"Nung nandito sila Mommy, nag punta kami dito. Ito daw yung spot nilang dalawa noon. At sabi ko sa sarili ko, na dadalhin din kita dito."

Kwento ko kay Apxfel na nakatingin lang sa akin.

"Gusto ko makasama kita sa napakagandang lugar na 'to. Gusto ko may alaala din tayo rito." He smiled which made my heart melt a little.

"Tama ka, you can't turn back time. You can't change anything. That's my past Apxfel. And that belongs to the past. Ito na yung ngayon. Ikaw at ako, tayong dalawa."

Silence surrounded us. Tanging hangin at pagaspas ng puno lang ang maririnig.

"I'm sorry." Sabay namin sabi ni Apxfel sa isa't-isa.

"I'm sorry na naging insensitive ako, hindi ko din naisip na ganoon yung mararamdaman mo. I should have known better. I'm sorry." I said.

He hold my hand. "No Abi, I'm sorry. I should't feel that way in the first place. Sorry sa mga nasabi ko kanina, mali ako." Sabi nito.

I hugged him.

"Let's make memories together." I said and then he hugged me back. "Ngayon, bukas, sa mga susunod na araw, sa graduation, sa college.."

"Hanggang sa kasal natin." Dugtong ni Apxfel.

"Gagawa tayo ng maraming maraming memories." Saad ko pa.

"I love you." He said.

Nagulat kami ng biglang may fireworks doon sa lugar.

"Wow!" We both exclaimed.

Napatingin ako sa relo ko, it's 12:00 am. New year na.

"Happy new year, Babe." I said.

And then the next thing I knew.. his lips drape into mine.

It's a one passionate kiss..

..that made my heart felt like the fireworks in the sky is in it too.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon