Chapter 3 Part 5

9.4K 360 39
                                    

(N/A:Yuki and Migz Picture above.Enjoy reading!~ )

Yuki's P.O.V

"hoy Otoy!" biglang sabi ng kasamahan ko sa trabaho, sa gulat ko ay nabitawan ko ang produktong inaayos ko , mabuti na lamang at hindi ito babasagin.

Ayon sa kanya ,ang 'Otoy' ay nangangahulugang bunso. At dahil ako ang pinakabata sa mga nagtatrabaho dito, binansagan na nila akong 'Otoy'.

Taga-ayos at taga-linis ako sa store na ito, kamuntik na nga akong hindi tanggapin kasi masyado pa akong bata para i'hire, pero dahil sa nagustuhan nila ang mga isinagot ko ,ay hinire pa din nila ako. Subalit, may hangganan ang pagtatrabaho ko, dahil wala pa nga daw ako sa wastong edad para maging regular employee nila. Hindi na din ako dumaan sa matagalang training dahil sa unang training ko palang daw ay napahanga kuna daw sila. Kahit ako ay nabilib din sa sarili ko, dahil nagawa kong makakuha agad ng trabaho para kay mama.

Nakakapagod ang trabaho pero ayos na din, mas malaki naman kasi ang kinikita ko dito kumpara sa pagtitinda ng bananaque.

Lalu akong nagpursiging magtrabaho dahil sa laki ng gastusin sa ospital pati na din sa bahay. Mahirap din kasi para sa akin ang makita ang mga pinsan ko na nagugutom.

Nung panahon kasing pumunta ako kay mayor, sinabihan niya ako na hindi daw siya ang nagpapaaral sa akin, kundi ang gobyerno mismo. Kaya naman, hindi siya ang naghahawak ng desisyon para doon. Gusto kong maiyak ng oras na iyon, sa mga sinabi niya kasi'y tila hindi niya din ako matutulungan.

'Ano ng gagawin ko? Matagal pa bago ako maggraduate, matagal pa bago ako makahanap ng mas magandang trabaho para kay mama. Sa ganitong sitwasyon na ba kami mamamatay?' yan ang mga katanungan sa utak ko habang naglalakad ako pauwi nun.

"Otoy naman oh, kanina pa ako dada ng dada dito hindi mo man pala ako pinapakinggan."inis na sabi ng kasama kong nagtatrabaho.

"ah , pasensya na po ma'am, ano po ulit yung sinasabi niyo?" kinakabahan kong tanong, mukha kasing kakainin niya na ako ng buhay sa inis eh.

"ayoko ko na, pang-apat na beses kunang inuulit-ulit yung mga sinasabi ko wala ka man lang pinakinggan!" malakas nitong sabi.

"pasensiya na po talaga ma'am Fatima" pagmamakaawa ko.

"tse! siguro inaantok ka no? naku isusumbong na talaga kita kay boss" gigil na sabi nito.

"naku hindi po, may iniisip lang po ako, sorry na po" sabi ko, pero ang totoo niyan, inaantok na din talaga ako dahil wala pa din akong maayos na tulog mula ng magtrabaho ako dito.

"Hoy Fatima, inaaway mo naman si Otoy ah!" si Sir Redel, na taga ayos din ng mga produkto tulad ko.

"hmp! ayaw kaya makinig" inis na sabi ni ma'am  Fatima.

"tsk! Hindi ka ba naaawa sa bata?  Kulang nalang mabasag na ang eardrums niya kakarinig niyang love story mong ikaw lang ang nakakaalam" iritang sabi ni Sir Redel.

"eh hindi nga siya nakiknig eh, tsaka ikaw bitter ka wag ka nangingialam, usapan namin ni Otoy ito kaya wag kang makisale, wala ka namang alam sa love!" maingay na sabi ni Ma'am Fatima. Hay nagsimula na naman sila.

"Akala mo naman may alam na sa 'love' yung bata, kita munang nag-aaral pa nga siya kung anu-ano na tinuturo mo. " si Sir Redel.

"oo naman no, diba bebe?" tanong ni ma'am Fatima sa akin.

"Hindi tulad ng isa diyan walang poreber ang panget-panget kasi." dagdag niya pa.

"Grabe ka snot-nose! Marami kayang lumalapit na chiks sa akin, hindi tulad mo imaginary boyfriend lang ang meron ka!" pagmamayabang naman ni Sir Redel.

Cute Boy in Boys SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora