16. #YoureStillMine

18K 545 35
                                    

Chapter 16

"Naguguluhan ako Mary Kien, pwede bang ipaintindi mo sa akin dahil hindi ko lubos maintindihan," galit na sambit ni Dave.

"H-Hindi ko rin maintindihan."

"Fvck! Paanong hindi mo maintindihan?! Ikaw ang nasa sitwasyon na yan!"

"Naguguluhan din ako, Dave!"

"Umamin ka nga sa akin, boyfriend mo na ba ang gagong yun?!"

"Hindi ko nga alam!"

"Paanong hindi mo alam?!" Sigaw nya.

Napakuskos ako sa ulo dahil sa sobrang inis. "Basta masyadong mabilis ang mga pangyayari."

"Paanong nangyari? Sabihin mo sa akin, boyfriend mo na ba sya?! Kayo na bang dalawa nung mayabang na yun?!"

"Y-Yun ang sabi nya."

"Yun ang sabi nya, eh anong sabi mo?!"

"Wala naman akong sinasabi sa kanya eh."

"Eh paanong naging kayo kung wala ka naman palang sinasabi sa kanya?!"

"Ewan ko. Basta sabi nya sa akin sa kanya na daw ako."

"Tapos pumayag ka naman?!"

"Hindi ah!"

"Fvck! Gamitin mo nga yang utak mo Mary Kien! Alam mo ba kung ano ang pagkatao meron ang gagong yun?!"

"Hindi."

"Yun pala eh! Bakit mo pinatulan?!"

"Dave naman! Wag mo naman akong sermonan oh. Naguguluhan na nga ako sa mga nangyayari eh."

"Tsk. Paano ako aalis dito sa school kung ganyan ang sitwasyon mo? Paano kung may masama syang gawin sayo? Sa tingin mo ba maipagtatanggol mo ang sarili mo sa kanya?!"

"H-Hindi naman nya siguro gagawin yun. Mabait naman ata sya eh."

Tinuktok pa ni Dave ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo. "Mabait?! Paano ka nakakasigurong mabait ang gagong yun?! Alam mo naman na naging girlfriend nya si Penelope, tapos nung nakaraan lang si Olga naman. Tapos ngayon ikaw? Wag ka ngang magpakatanga Kien! Lolokohin ka lang nya. Tangina naman Kien, pinag-aalala mo ako eh!"

"Wag ka nang mag-alala, kaya ko naman ang sarili ko eh."

"Ilang beses mo na bang sinabi sa akin yan? At ilang beses ka na rin bang nagsumbong sa akin kapag may umaaway sayo? Ang dami-daming lalaki dyan, bakit sya pa? Nandiyan naman si Louie, nandyan din si George na nanliligaw sayo."

"Ayaw ko kay George!"

"Eh sinong gusto mo?! Wag mo sabihin sa akin na yung Yvan na iyon ang gusto mo?!"

"Hindi ah!" Napabuntong hininga pa ako bago ibalik ang tingin sa kanya. "Dave, ano bang gagawin ko?"

"Matanda ka na Mary Kien! Alam mo kung ano ang dapat gawin."

"O sige...makikipag-break na ako sa kanya."

Tiningnan pa ako ng masama ni Dave. "Ito ang tandaan mo Kien, wag na wag ka lang magpapahuli sa akin na sumasama ka pa sa lalaking yun. Kilala mo ako magalit. Ni-hindi nga ako pumapayag na ligawan ka ng mga tarantado kong barkada dahil alam kong gago din sila tulad ko, tapos papatol ka sa babaerong yun?"

"Hindi ko naman sya pinatulan eh."

"Pinatulan mo man sya o hindi, lumayo ka na sa kanya. Sasaktan ka lang nya. Sinasabi nyang girlfriend ka nya, pero lilipas ang ilang araw, iba na naman ang girlfriend nya."

Look at this Richest man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon