Chapter 9 - His Birth

79K 2.3K 231
                                    


[ R E N N E I ' S P O V ]




"You mean, walang ibang paraan para makausap o mapuntahan ang judge?" hindi ko na naiwasan ang pagtaas ng boses ko. Nandirito kami sa laboratory na pinagawa ko exclusively para sa Onyx Blood Disease na 'yan.



"Malungkot man sabihin pero oo." bagsak na mga balikat na tugon sa akin ni Axel na kararating lang mula sa pag-iimbestiga niya ukol sa judge. Brooven Family. Dahil sa kanila nanggaling ang lahat ng nagdaan na judge, sigurado akong napag-isipan na nila ang isang matibay na estratehiya para hindi matagpuan ng kahit na sino.



Napabuntong hininga na lang kami ng sabay sabay nina Dereen at Fiacre. Wala na ba talaga kaming magagawa? Pero ayoko. Ayokong aminin na wala na talaga. Napapikit ako na naiisip ko.



Ilang sandali ay tumunog ng pagkalakas ang teleponong nandito na siyang tinugunan naman ni Dereen kaagad. Tanging nasa pumipintig na ulo lang nakapokus ang pag-iisip at pakiramdam ko. Ilang buwan na pero wala pa rin. Ano pa ba ang dapat naming gawin? Oh God, please help me.



"Really?! Sige, pupunta na kami kaagad diyan!" panandaliang nawala ang sakit na nararamdaman ko at napatingin ako kay Dereen habang hawak hawak niya ng mahigpit ang telepono at may nakasilay siyang malaking ngiti.



Anong nginingiti ngiti ng babaeng ito? Namomoblema na nga kami't lahat lahat, nagagawa pang tumawa. Ang mga Pilipino nga naman talaga. Mas lalo pang lumalim ang pagtataka ko nang dali dali niyang ibinagsak ang hawak niya na tila ba nagmamadali na siyang ibalita sa lahat ang kakarinig lamang na balita. Napatitig siya sa amin ng di oras. Magkahawak ng mahigpit ang dalawa niyang kamay na akala mo ba ay may nangyaring himala.



"Why do you look so happy? Who's the caller?" Fiacre asked.


"Guys! Nakapanganak na si Alex! It's a boy!"



Agaran kaming napatayo sa natanggap naming magandang balita. Natumba pa ang kanina'y kinauupuan ko nang dahil sa impact ng bara bara kong pagtayo. Nagkatinginan kaming apat na nandito sa loob ng laboratory. Unti unting namukadkad sa mga mukha naming ang malalaking ngiti na siyang dala ng dahil sa pagkasilang ng bagong parte ang aming pamilya.



Wala na kaming sinayang pa na oras at nagmamadali kaming nagsisakay sa kanya kanya naming mga sasakyan. Ni nawala na nga kami ng pakialam kung lumalagpas na kami sa speed limit, ang mahalaga ay ang makita namin ang bagong panganak na sanggol. Hindi ako makapaniwala. Ang bilis talaga matapos ng oras. Segundo, oras, araw, buwan, taon, parang magkakatulad lang sila ng katumbas na tagal.



Nang makarating na kami sa ospital sa pamamagitan ng address na sinend sa amin nina Dash ay hindi na namin nakitaan ng bakas si Axel. Maaaring nauna na siya at naghanap na ng paraan para makapasok sa loob ng kwarto o di kaya'y pupuslit sa kung saan saan mapanood lamang espesyal na pangyayari ngayong araw.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon