HGG [20]

180K 3.1K 166
                                    

Chapter 20

Janine's POV

Andito na kami sa school. At ang boring kasama ni King. Pero hindi awkward ah! Bat kami magiging awkward ni King? Close kami?

Nakaupo pa rin ako sa kotse. Nagdadalawang-isip kung lalabas na ba ako o matutulog na lang dito. Eh kasi naman eh! Akala mo kung sinong artista yung dumating! OA nila ah.

"Lalabas ka o hinde?" tanong niya. 

I rolled my eyes. "Mauna ka na. Ayokong ma-stampede ng fans mo" sabi ko. 

Sobrang daming babae sa labas ng kotse. Buti na lang tinted at hindi masyadong kita kung sino ang nasa loob. Nabalitaan siguro ng Royalty Academy na papasok na ngayon ang King nila.

Tama po kayo ng pagkabasa. PAPASOK NA PO SI KING. 

Pati yung iba pang BRGang. Ang boring daw kasi sa hideout nila eh. At tsaka alam ko na rin kung saan ang hideout nila. 

Sa isang greenhouse na nakatago sa mini forest namin. Mga pa-sosyal.

Nauna na nga siyang lumabas. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga babae. Ouch! Kawawa ang cute kong eardrums!

Lumabas na rin ako. Iniwanan ako ni King eh. Pesteng King na yan. Kung meron siya wag naman niya akong idamay!

Tumigil ang mga tili ng babae't bakla. At lahat ng pares ng mata ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. Problema nila? 

Dumaan na ako at nahati naman sa dalawa ang crowd. Ang kyut ko talaga!

"Bes!" Napatigil ako ng tinawag ako ni bes. Sabay na kaming naglakad papasok. 

"Kumusta sa loob ng kotse? May nangyari ba? Ninang na ba ako?" sunod-sunod na tanong niya. 

Binatukan ko siya. "Mga pinagsasabi mo. Walang nangyari! Ang tahimik nga eh.. walang imikan. Pero sana nga meron." sabi ko. 

Napa-gasp naman si bes. Teka..ano ulit sinabi ko?

Ang tahimik nga eh.. walang imikan. Pero sana nga meron.

Pero sana nga meron.

Sana nga meron.

Sana nga meron 

Sana nga meron..

"Waaaah bes!! Don't get the wrong idea! I meant, sana nagsalita siyaa!! BESS!!" Pero late na ako. Nalason na ng sinabi ko ang utak ni bes.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon