19

110K 1.7K 142
                                    


CHAPTER NINETEEN

De Grande Lake State Park


WALA akong ibang ginawa kundi ang sundan ang mom ko habang abala siyang naglalagay ng mga pagkain sa cart namin.

Grabe, halos lahat yata ng naikutan namin ay talagang kinukuhaan niya para ilagay sa cart.

Hindi niya na nga yata binabasa 'yong mga product na nilalagay niya sa cart.

"Wala ka pa rin bang ipakikilala sa 'kin?" tanong niya bigla kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit 'di mo tanungin 'yong magaling kong kapatid?"

"Bakit? Anong ginawa ni Ger?" tanong niya, parehong bumaba ang kanyang kilay.

"Lahat ng lalaking nag-a-attempt manligaw sa 'kin, pinalalayo niya sa 'kin. Tatanda yata akong mag-isa."

"Huh? Pero sabi niya, you're dating his friend."

Agad na napakunot ang noo ko. "Si Helix?" Natawa ako nang mahina at napailing. Sana nga, eh. Kaso hindi.

"What's going on, Mom?" I asked, trying to change the topic. It's very unusual for her to bring me out on weekdays. Nagkikita lang naman kami kapag weekends, kaya nakapapanibago na sinundo niyo ako kanina sa klase para lang dalhin sa grocery store.

"Nothing, I just . . . want to bring you here with me. Ano ba'ng gusto mo? Lagay mo lang d'yan sa cart. Pati si Gerald, ano ba'ng gusto niya? Ikaw na pumili."

Napataas ang kilay ko.

There's really something wrong with her.

She was about to push the cart pero natigilan siya dahil humarang ako.

"Spill, Mom. What happened?" sambit ko.

"Y-your dad . . ."

"Hmm?"

"Your dad came to see me last night," aniya.

"And?"

"He told me he misses me every day."

Natigilan ako.

"And?"

"Siyempre nalungkot ako."

"Why? You're now married, Mom. You shouldn't be feeling that way towards Dad."

"I know. It's just that . . ."

"What?"

"Your father will always hold a special place in my heart, Shin. No matter how fucked up our marriage was, he will always be special to me." She let out a deep sigh.

"You still love him," tumatango-tangong sabi ko.

"I always do. I always will," nakangiti niyang sabi saka niya ako hinalikan sa noo ko.

"Pero hindi na namin maibabalik sa dati kung ano mang mayroon kami noon. I hope you understand that," tipid na ngiti niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti.

"I know."

Pagkatapos niyang magbayad sa counter, hinawakan niya ang kamay ko at inaya akong kumain sa Pizza House na malapit dito sa grocery store. I let her choose all the flavors she wanted to eat. Hindi naman ako maarte sa pagkain.

She Crossed That BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon