[48] I run this game. Just play your role.

5.7K 63 35
                                    


A/N:
Peace talaga. ✌✌✌


xxx


Chapter Forty Eight
 

AICEL

Pumunta agad ako sa Kofi Cafe pagka-alis ko ng school kanina. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ni Lewis? Waaaaaaaaah! Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ngayon ko lang narealize na meron pala ako noon kahit papaano. Alam niyo naman yung filler ko diba? Syempre, malamang nabasa na niya yon. Tss. Si Padilla kasi e! Kasalanan niya to.

Bukod sa kaba, nakakaramdam din ako ng inis lalo na sa ginawa ni Lewis kay Patch. Kung pinatapos mo kasi siya sa sasabihin niya, edi sana kayo na ngayon. Ugh! Kaya imbis na mag-isip ako ng kung anu-ano, bakit hindi ko na lang planuhin kung paano ko bubugbugin si Lewis dahil sa ginawa niyang pasakit sa bestfriend ko. Haha. Tama! Uunahin kong sapakin ang matangos niyang ilong para naman mabawasan ang kagwa—

“Kanina ka pa nandito?” Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I looked back and saw Lewis’ face. He flashed his sweetest smile.

Ohhhh. Osige Aicel, nasaan na ang pinaplano mong pagsira sa muka ni Lewis? Yung kamay mo bakit hindi gumagalaw? Diba’t una mong sasapakin ang ilong niya? Wala na! Diba? Isang ngiti lang ng lalaking to, naglaho agad lahat ng inis mo. Badtrip yan. (-__-’)

“Uh. H-Hindi naman. K-Kararating ko lang.” Nauutal kong sabi sa kanya. Nahihiya na talaga ako. Huhu. Lord, pwedeng wag munang mag-function ang mga dugo ko sa katawan para naman hindi ako mamula sa harapan niya.

“Why are you stuttering? Are you okay?” Worried ba siya? Heck. Umiling na lang ako dahil okay naman talaga ako. Muka namang naniwala siya kaya umupo ito sa silya na nasa harap ko.

“Anong gusto mong inumin?” Nakangiti nitong tanong sa akin.

“Wala akong gusto.” Sige lang Aicel, tarayan mo pa. Hah! “Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin kasi may pupuntahan pa ako after nito.”

“Okay, hindi ko na patatagalin pa to.” Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng isang seryosong ekspresyon. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Tsk!

“I’m sorry dahil nasaktan ko ang bestfriend mo. Alam mong matagal ko na siyang nililigawan at sa mga araw na iyon, it hurts to see her love someone else. She can’t like me back at tanggap ko na iyon. Narealize ko na hindi niya talaga ako kayang mahalin dahil may ibang laman ang puso niya. At si Sage iyon.” Ramdam ko ang lungkot sa toni ni Lewis. He’s hurt.

Yung thought na si Sage ang laman ng puso ni Patch, parang nasasaktan na agad ako. Paano pa kaya kung malaman kong si Patch ang gusto ni Sage? Buti na lang talaga, alam kong si Lewis na ang mahal ni Patch. Tss.

“Paano mo naman nasabi yon, Lewis? How sure are you? Tinanong mo ba si Patch kung mahal pa rin niya si Sage? Sinabi ba niyang Oo, mahal pa rin niya si Sage?”

“Kahit hindi ko na siya tanungin, yun ring ang isasagot niya sa akin. She likes him from the very start.” Lewis smiled bitterly at me.  

“Paano kung nagbago na pala ang laman ng puso ni Patch? At hindi mo alam yon kasi naniniwala ka pa rin sa gustong paniwalaan ng isip mo?”  

He looked at me, confused. “What do you mean, Aicel?”  

Tinignan ko ito ng seryoso sa mata. “Paano kung ikaw na pala ang mahal ni Patch? Pero hindi mo alam yon kasi nung aaminin na niya sayong mahal ka niya, you gave up and let go of her?”

“That’s ridiculous. She doesn’t love me.” Natatawa niyang sabi.

“Stupid.” I murmured. Oo na! Ang tanga naman talaga niya e, diba? Bakit niya pa ni let go? Bakit agad siyang sumuko? Konting push na lang oh, edi sana sila na.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon