Chapter 10 : Valor

80.7K 2.2K 383
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ] 




17 Years Passed ...




"Ms. Martin, maaari po bang kayo na ang mag-abot ng mensahe ko kay master? Ayoko po kasi siyang abalahin sa pagbisita niya kay Lady Alexandria eh. Pakisabi naman pong kailangan na po niyang bumalik sa mansyon." pagpapaabot sa akin ng mensahe ni Dash nang malapitan niya ako. 



Tumingin ako sa kanya ng sandali at tumango bilang pagtugon sa kanyang pakiusap. Napabuntong hininga na lang ako. Labing pitong taon na ang nakalilipas. Ang daming ng nagbago. Habang dala dala ang aking nakabukas na payong ay humakbang ako papasok sa mausoleum kung nasaan si Spade. Marahan kong isinara ang aking payong at saka tuluyang lumapit sa kanya. 



Tahimik lamang siyang nakatayo sa harapan ng lapida ng pinakamamahal niyang asawa. Kahit kailan ay hindi niya nakalilimutan na dumalaw dito kada buwan o kapag may problema siya sa trabaho. Kahit si Spade, marami na rin ang pinagbago. Halos lahat siguro sa amin ay marami ng pinagkaiba mula sa mga sarili namin noon. Pero ang mga pagbabagong iyon ay naganap simula nang mamatay si Alex. 



Hanggang ngayon sinisisi pa rin namin nina Dereen, Fiacre, at Axel ang mga sarili namin sa pagkamatay niya. Wala kaming nagawa. Hindi namin naagapan ang trahedyang dumating. Hindi rin namin nasupil ang council na siyang lubos namin kinamumuhian. Galit kami sa mga sarili namin dahil hindi namin nagawang maging responsable sa impormasyon na kami lamang ang nakaaalam. Mas lalo kaming nagsisisi dahil parang pinagkaitan naming muli ng kaligayahan ang kaibigan namin. May kanya kanya nga kaming buhay pag-ibig ngayon pero naputol naman ang dinaranas niyang kasiyahan kasama ang pamilya niya. Sorry, my friend. 



"Sir, you need to return to the mansion. Please come with me." I told him. 



When the Vantress couple established a newly made empire, they convinced me to be the consigliere or the chief advisor of the mafia. I accepted their offer for all I know that this can be one of my ways to protect and preserve Alex's legacy within the mafia. Ibig sabihin, kapag nasa labas, nasa trabaho ay kailangan kong tawagin si Spade na 'sir' o 'master'. Calling his first name in front of his followers will be a big crime. But it doesn't mean that we're not friends anymore. I can talk to him personally and privately. Ako ang masasabing naging katuwang nila pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo at sa pagngangalaga sa mga tauhan ng pamilya nila. 



"Alright. Let's go." munting sagot niya at nauna na siyang humakbang palabas ng mausoleum na ito. Pinakinggan ko lamang ang mga yapak niya habang nakatuon pa rin ang tingin ko sa lapida ni Alexandria. Halos punuin na ni Spade ang lugar na ito ng mga bulaklak. Mga puting rosas na paborito ng kanyang asawa. 



Alex, I don't know how to continue this kind of life anymore. How could I be happy if my conscience keeps bothering me? How could I be happy if I can see your children's bereavement to you? Araw-araw kong nakikita ang inggit sa mga mata ng mga anak mo sa tuwing susunduin ko sila mula sa eskwelahan. Inggit sa mga batang sinusundo at kinakamusta ng kanilang mga ina kapag nakasalubong na nila ang mga ito. Naaawa ako para sa kanila. At alam kong hindi ko kayang tingnan ang ganoong ekspresyon nila. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon