Chapter 33

454K 13.4K 4.2K
                                    

Chapter 33


[Timi's POV]


Hanga talaga ako sa self control nang lalaking katabi ko sa kama. Biruin niyo, may katabi siyang drop dead gorgeous na babae but still, wala siyang ginagawang kalokohan.

Good boy, matindi ang self control o sadyang takot lang gumawa ng first move? Hindi ko alam.

At hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

"Timi.."

Mas nagsumiksik sa akin si Ice at niyakap ako na parang unan.

I gently pushed him away, "hindi ako sanay matulog nang may naka-yakap sa akin ng ganyan."

"Eeeh! Wag kang magulo," hindi siya bumitiw at mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at tinitigan ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko. Nakapikit si Ice at mukhang patulog na.

Talagang dito na matutulog ang isang 'to ah? Tas talagang wala siyang planong gumawa ng kalokohan.

Hindi sa nag s-suggest ako ah! Pero napapaisip talaga ako kung dapat bang sinuot ko na lang yung lingerie o hindi eh.

Napatingin ako sa labi ni Ice. Walanghiyang labi 'yan oh. Kaya pala ang sarap humalik ng isang 'to. Tignan mo naman ang labi niya. Ang ganda. Ang pula. Ang kissable.

Pinagpala nga ata ako.

"Wag na wag kang magkaka drama ha? Ayokong magkakaroon ka ng ibang ka-kissing scene," bulong ko sa kanya.

Iminulat niya ang isa niyang mata at nginitian ako.

"Ipapaubaya ko na kay Jasper ang pag-a-artista," sabi niya.

Bakit ang gwapo nang isang 'to? Seryosong tanong. Paano ko nagawang pa-in-love-in ang ganitong ka-gwapong nilalang nang hindi ko ginagamitan ng gayuma?

I gently touched his lips.

"Good. Ayoko nang may ka-share."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ice at hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Ice.."

"Hmm?"

"Pwedeng patingin ng abs mo?"

He chuckled.

"Ikaw talaga Timi. You are making this harder for me."

Napatakip ako ng bibig, "oh my gosh, hard ka na?!"

Biglang napadilat ang dalawang mata ni Ice at pinitik niya ako sa noo.

"Aw! Bakit ba?!" sabi ko sabay himas ng noo ko.

"Napaka-pilya mo alam mo yun?"

I gave him an evil grin, "tinitignan ko lang kung gaano ba kahaba yang self control mo."

Napailing siya, "mahaba pero malapit nang maputol dahil sa'yo."

"Talaga?" ngiting-ngiti kong tanong.

"Matulog ka na."

"Ang gwapo mo Ice."

"I know."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon