EPILOGUE

181K 3.9K 398
                                    

Thank you for making it this far ..



***



"Are you okay?"

Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Spencer sa tabi ko, kasabay noon ay ang pag hawak nya sa kanang kamay ko at dinala sa labi nya.

Pagod. Iyon ang nararamdaman ko ngayon pag katapos ng nangyari, pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko, pakiramdam ko first time ko to. Gusto kong matulog pero pinigilan ko, dahil gusto kong makita ang baby namin. Ang saya ko dahil madadagdagan nanaman kami, after ng kasal namin ni Spencer ay pumunta kami ng Greece para sa honeymoon at doon nabuo si Bryce Sephiroth ang fourth baby namin na inilabas ko ngayon.

Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Spencer noong malaman naminma buntis ako, pati ang mga bata ay masaya. At ako, walang pag lagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon, masaya ako dahil alam kong mararamdaman ni Sephiroth ang pag mamahal ng buong pamilya na hindi nakamtan ng tatlo nyang kapatid noong una dahil sa komplikadong sitwasyon.






"Sir, Mam"



Sabay kaming napatingin sa Nurse ma pumasok dala ang maliit naming supling, tumayo si Spencer at lumapit sa nurse upang kuhanin ang baby namin. Napangiti ako ng hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Spencer ng buhatin nya si Sephiroth at naglakad sya papunta sakin.

Umupo sya sa gilid ng bed ko at ipinakita sakin ang baby namin na kanina ay inilabas ko sa mundo, hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko habang nakatingin kay Sephiroth. Ang gwapo nya, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi alam kong magiging kamukha nya ng Daddy nya pag lumaki sya.


"Ang pogi naman ni Sep" masayang sabi ko saka hinawakan ang maliit at malambot nyang kamay. Sep ang napagpasyahan naming ipangalan sa kanya dahil iyon ang gusto ni Scarlet, at tingin ko unique ang pangalan na iyon at bagay sa anak namin mo Spencer.

Napatingin ako kay Spencer at parang tumigil ang mundo ko ng makitang titig na titig kay Sep, na parang mawawala ang baby namin sa oras nakumurap sya. Napatingin sya sakin saka sya ngumiti, yung ngiti na alam kong totoo, yung ngiti na dala ng saya na nararamdaman nya ngayon.



"Thank you Nina" aniya, saka muling tumingin kay Sep na natutulog sa bisig nya at pag kuwan ay muling bumaling sakin.


"Salamat kasi simula ng dumating kayo ni Kisza sa buhay ko ay naging mas masaya ako. Ngayon ako nag papasalamat na napadpad ako ng bar na iyon, ngayon ko napatunayan na may dahilan ang lahat. Dahil kung hindi nangyari ang mga iyon hindi kita makikilala, hindi ko mararamdaman ang saya na nararamdaman ko ngayon" aniya saka muling hinawakan ang kanang kamay ko at dinala sa labi nya. Ngumiti ako, nag uumapaw ang saya na nararamdaman ko ngayon, at kahit ako nag papasalamat na dahil sa mga nangyari noon nararamdaman ko ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon kasama ang mga mahal ko.



"I love you" aniya saka lumapit sakin upang maabot ang labi ko.


"Mahal din kita" sagot ko pag kabitaw nya sa labi ko.


Pareho kaming napatingin kay Sephiroth na nasa bisig nya ng iyak ito, kita ko ang pag kataranta ng mukha no Spencer. Natawa ako at kimuha sa kanya si Sephiroth para i breastfeed. Hindi umalis sa tabi ko is Spencer at kinuwentuhan nya ako tungkol sa mga pinag gagagawa ng mga bata habang nandito ako sa hospital.


Ang akala ko noon hindi darating ang ganito, na sya nasa tabi ko at nag kukwento tungkol sa makukulit naming mga anak. Noong kasing ipinanganak ko ang kambal ang mga kapatid ko lang ang kasama ko, masaya naman ako. Pero iba pa rin yung ganito, na katabi ko ang ama ng mga anak ko.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon