Chapter 4

114K 2K 81
                                    

                                                                      ******

  

“Lena! Lena! Lumabas ka dyan! Alam ko nandyan ka!”

   

Nagmamadaling umakyat ng hagdan ang baklang si Monica na noon ay naghuhugas ng pinggan sa kusina. Humihingal na pumasok ito sa nag-iisang kuwarto ng bahay habang napapahawak sa dibdib.

“Ate! Ate!”

“Shhh…Ano ba ang ingay mo! Nakita mo nang nagpapatulog ako ng mga bata.”

“Ate si cookie monster nasa baba!”

Biglang bumangon sa pagkakahiga ang dalaga. Nataranta ang mukha nito.

“Sabihin mo wala ako! Sabihin mo pumasok ng trabaho, hindi nagday-off!”

“Ate harapin mo na.  Natatakot akong makipag-usap. Parang puputok na ang mukha sa galit eh baka masabugan ako ng mga silicon sa pisngi nun.”

Napilitang bumangon si Lena.

“Ikaw talaga Monica, napakalimited ng pakinabang mo!”

“Ate bakla ako. Hindi kayang tanggapin ng malambot kong puso ang sigaw ng isang maligno.”

“Dyan ka lang! Bantayan mo yang mga bata ah.”

“Go Ate! Kaya mo yan. Isipin mo na lang na nasa mundo ka ng mga engkanto habang kausap mo siya.”

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon