Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)

1.2M 16.4K 1.2K
                                    

DATE POSTED: July 9, 2011

Chapter 6 

"Ang tagal naman kasing magka-ilaw eh!" Ano ba naman yan! Hotel mo ba talaga to? Bakit walang generator?"

"Hahahahaha!"

"Tawa ka ng tawa ha!"

"Eh kasi ngayon mo lang napansin!  Hahahaha!"

Inilawan niya ito gamit yung celphone niya. Hawak hawak pa nito yung tsan niya!

"ANO BA IYON?!?!"

"I don't know if you're just too dense or innocent or just so stupid hahahahaha!"

"Ha? Ano? Stupid? Ako?!!!!"

"Oo, ngayon mo lang naisipang itanong yung tungkol sa generator!" AHAHAHAHA!"

"Bakit? Eh hindi ko na naalala eh Ikaw nga dapat ang maka-alala dahil sabi mo hotel mo to!"

Tapos nakita niya na lang na mag kinuhang parang maliit na remote control si Harley sa bulsa niya. Nahuhulaan niya na ang mangyayari.

"HAHAHA!"

Tawa pa rin ito ng tawa.

Hala! Baliw na yata ito! Tawa ng tawa, naiiyak na sa katatawa.


"Kasi naman Isabelle! Syempre may generator ang hotel. Ang totoo, hindi naman talaga ng black out eh HAHAHAHA!"

"Ano?!?!" kahit medyo nahulaan na niya ang mga pangyayari, inis at gulat pa rin siya. Anong magagawa niya, tanga yata talaga siya. Sheez

May pinindot si Harley sa maliit na button at parang turbong nag-power up yung elevator.

"Langya naman!!! Ahhhh!" inis na inis kasi siya.

Lumabas na silang dalawa sa elevator. Nagdererecho siya sa labas. Si Harley naman parang magnanakaw ulit ang get-up kasi nagsuot na naman ng hoodie.

"Sorry na Isabelle oh!"

"Sorry sorry! Alam mo na bang gabi na, pano pag wala ng sasakyan? Close na ba agad tayo para makapagbiro ka ng ganun? Ha? Tska hindi yun biro!"

Umubra na naman ang pagka-nagger niya. Grabe gutom na kasi siya eh. Simula yata 5:30 pm nandun na sila sa loob ng elevator.

"Oo, pumayag ka na ngang lumabas tayo eh, tapos hindi pa tayo close?"

"EWAN!!!"

Yun na lang nasabi niya kasi baka maisip na naman nito na ipagkalat yung sikreto nila ni Kent. Tapos naramdaman niyang nagvvibrate yung celphone niya.

"Naku si Kent tumatawag!"

"Talaga? Ako ngang sasagot!"

Akmang hahablutin na sana nito yung phone niya

"Ano ka? Mukha mo! Diba wala nga dapat makaka-alam kahit si Kent na alam mo na! Wait ka lang diyan!"

Lumayo siya ng kaunti.

"Hello?"

"JESUS!! YOU KNOW WHAT TIME IS IT PHOEBE?! KANINA KA PA DAW TINATAWAGAN NI MANANG LOURDES!!!! BAKIT HINDI KA NIYA MAKONTAK? KUNG HINDI KA UUWI MAGPASABI KA NAMAN. HINDI YUNG NAPUPUYAT YUNG TAO SA'YO!!!"

Grabe! Sinagawan siya ng sinigawan ni Kent sa telepono!

Pero ano daw? Napupuyat na tao? Siya ba yun?


"Teka, sorry. Sorry kung napupuyat ka, wala kasing signal---"

"WHAT? SANAY AKO SA PUYATAN PHOEBE!  SI MANANG LOURDES ANG NAPUPUYAT SA'YO HINDI AKO! UMUWI KA NA NGA, NASAN KA BA? SINONG KASAMA MO?

"Teka Kent, hwag ka ngang sumigaw!" tanggal na lahat ng earwax niya.

"Umuwi ka na, ngayon na. Isusuumbong kita kay papa"

"Magsumbong ka!! Sumbungerong nilalang to! BYE!!!"

Tapos binabaan niya na ito ng telepono. Hahahahaha!  First time niya kasing maunang magbaba ng tawag.

"Anong sabi?"

"Ewan ko dun! Wala kang paki-alam. Uuwi na ako! Kapag ako napahamak ng dahil sa'yo! Mumultuhin kita forever!! May mga attitude problem yata talaga kayong mga artista!!!"

Ngayon niya lang napansin, ang ginaw pala.

Wala pa naman akong dalang jacket! Hmpf! Hindi naman ako kasi umuuwi ng ganito ka gabi, ang lamig pala! Wala naman kasi akong night life eh. House wife nga ako diba eh hahahaha! Kung anu-ano pang naiisip niya.

"Ngiting-ngiti ka dyan ah. Kinikilig ka ba sa lamig, tignan mo para ka ng chicken sa dami ng kilabot mo"

Sinusundan pala siya ni Harley sa paglalakad.

"Pwede ba wag mo na akong sundan, malapit lang naman dito yung bahay namin kahit di na siguro ako sumakay."

Ag-ag-ag-ag-ag. Nangatal bigla siya. Humangin kasi ng malakas. Sobrang lamig anu ba yan!!! Gusto ko ng umuwi huhuhu

Nakita niya na lang na hinubad ni  Harley yung hoodie niya. Alam niyang i-ooffer sa kanya yun eh. May pagkagentleman talaga tong panget na to!

"Naku hwag na! Sige ka baka may makakita sa'yo naglalakad ng gabi."

"No! Look at you! Sorry if I tricked you inside the elevator. That was supposed to be a joke, pero ang kulit kasi ng mga facial expressions mo eh kaya tinuloy-tuloy ko. I fell asleep din kasi kaya sobrang ginabi ka na. Here!"

"Ano ako entertainment? Aning ka!"

Pero wala na siyang nagawa, ang lamig eh. Sinuot niya yung hoodie.  Wala na siyang panahon para magpakipot. Pagkasuot niya ng hoodie, nakaramdam siya ng instant relief.

"Hatid na kita."

"Wag na!"

"Please"

"Wag na, bukas ko na lang isosoli yung hoodie."

Nasa main road na sila. Malapit lang naman talaga yung bahay nila eh. Sa isang village lang across the main road. Kaya nga naglalakad lang siya pag pumapasok. Minsan lang siya sumasakay kapag tinatamad siyang maglakad. Mas matagal pa kasi kapag nakasasakyan. Malayo pa ang iikutan. Si Kent lang naman ag nagkkotse dahil dyahe daw pag nakitang tumatawid siya sa kalsada.

Patawid na siya sa footbridge, pero nakasabay pa rin si Harley sa kanya maglakad.

"Si Harley ba yun?"

"Saan?"

"Ayun oh! HARLEY!!!"

"Oo nga! Oh my God it's him. HARLEY! HARLEY!"

Sabay silang napalingon. Mga teens din na gumigimik sa Orion, isang disco bar malapit sa school.

"Hala, sino yung kasama niya?"

"May girlfriend na si Harley?"

"Nakakainis, ang swerte naman nun?"

"Girlfriend ba talaga yun? Baka kapatid lang?"

"Engot, matanda na yung mga kapatid ni Harley!"

"Tara picturan natin!"

Kinuha pa ng mga ito yung mga DSLRs at digicams nila. Yung mga iba mga celphone cameras ang ginamit. Baga pa makakuha ng picture ang mga ito, tinaas na ni Harley yung hood sa ulo niya, inakbayan siya at tumakbo sila patawid sa footbridge.

*later*


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon