Chapter 34

521K 13.5K 7.3K
                                    

Chapter 34


[Ice's POV]


"Pre, maupo ka dyan," utos sa akin ni Jasper habang nakaturo sa sofa sa harap namin.

"O eto uminom ka," sabi naman ni Ayen sabay abot sa akin ng isang bote ng beer.

"Uhmm... kay Timi yung beer. Baka magalit siya."

"Sus hindi 'yan pre!" sabi naman ni William. "Kailangan natin ng isang ma-boteng usapan ngayon."

Naupo si Ayen sa tapat ko at tinignan ako ng seryoso. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-seryoso.

"Kayo na ni Timi?"

Tumango ako, "oo. Kagabi lang."

"May nangyari sa inyo?" tanong naman ni Jasper

"Wala nga sabi. Magkatabi lang kaming natulog. Yun lang."

"Sure?" tanong ni Ayen na parang hindi naniniwala sa akin.

"Oo nga sabi," medyo naiinis nang sagot ko.

"Paano kami makakasigurado?" sabi ni William na ngayon eh umiinom na rin ng beer.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi niyo ba kami pinagkakatiwalaan?"

"May tiwala kami sa'yo Ice," sabi ni Ayen. "Kay Timi wala."

"May pagka wild pa naman yun," pag sang-ayon ni Jasper.

"Sure kang hindi ka niya ginahasa?" tanong ni William.

Nginitian ko sila, "masyadong wild ang tingin niyo kayo Timi."

Tumango lang yung tatlo.

Hindi nila alam na kagabi, mas delikado si Timi sa akin. Kung alam lang niya kung gaanong ka-tinding self control ang ginawa ko. Grabeng pagsubok ang binigay niya sa akin. Kung alam lang niya kung gaano katindi ang epekto ng mga pinag gagagawa niya.

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Pinilit ko. Pero paano ka ba naman makakatulog kung ang katabi mo ay ang babaeng pinakamamahal mo?

Hindi siya aware kung gaano siya kaganda habang natutulog. Yung ang amo ng mukha niya, tapos ang pula pula ng labi niya.

And for pete's sake! She's wearing a spaghetti strap top. At hindi ba siya aware kung gaano kanipis ang suot niya?

Kinailangan ko pang itaas ng husto ang kumot hanggang baba niya para maiwasan ko lang mapatingin sa....sa maputi niyang braso!

Halos mabaliw ako kagabi.

Nagpapasalamat lang talaga ako nan aka pajama siya nun at hindi ko kita ang legs niya kundi patay na. Masasaniban na ako ng masamang espirito.

Siguro hangga't hindi pa pwede, iiwasan ko muna ang tabihan siya. Mahirap na baka masagad ang self control ko.

Yung babaeng yun pa naman ang hilig hilig mang tempt.

"Pero eto pare seryosong tanong," sabi ni William. "Mahal mo talaga si Timi?"

Tinignan ko siya ng seryoso, "oo. Sobra."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon