[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION

3.3K 165 4
                                    

A S H E

"Ikaw Ashe. Natagpuan na kita."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Ako? Ako 'yung hinahanap niya? Tsaka tinawag niya akong Ashe. Paano niya nalaman ang tunay kong pangalan?

Maya-maya, nagulat nalang ako ng bigla siyang magliwanag. Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya. Nag-panic nanaman ako. Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Yume.

"Just watch." sabi niya ng nakangiti. Lumutang si Kiro sa ere. May namumuong thunder din palibot sa kanya.

Nag-aalala ako dahil hindi ko maintindihan pero at the same time, namamangha ako sa mga nangyayari. Maya-maya, parang may humihiwalay sa katawan niya.

Nagulat ako. May nakita akong isang fox.

"Si Yuri ba 'yun?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Yume.

"Yes." sagot niya naman. Pagkatapos nun, unti-unti nang nawawala ang liwanag at dahan-dahan silang bumaba.

Nakatingin lang sa'kin si Yuri. Ang saya-saya ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon dahil napalaya narin ni Kiro si Yuri.

Maya-maya, nagkamalay na si Kiro. Akalain mo nga naman, ako pala 'yung hinahanap niya. Napaisip ako. Oo ako nga, bakit pala hindi niya pa napalabas si Yuri nung mga panahong magkasama pa kami?

"Cause he doesn't know who you really are that time." sabi ni Yume. Napatingin ako sa kanya. Nakaka-miss 'yung bigla-bigla niya nalang na pagsagot.

Niyakap ni Kiro si Yuri. Nakaka-miss 'yung mga ganitong moment. Finally, magkakasama nanaman kaming apat. Buo nanaman ang team.

Lumapit si Kiro sa akin at ngumiti.

"You hungry? Wanna eat something?" tanong niya sa akin at nagtaka naman akong tumingin sa kanya. Pinindot niya ang blue button at napaluha nalang ako sa nakita ko na nag-appear sa mga kamay niya.

This bring back memories. Ang pagkain na tumatak sakin. Alam niyo na kung ano 'yun. 'Yung sikat na pagkain nun sa city of begginings sa WOM.

"Hindi ko akalain na meron ka parin niyan hanggang ngayon. Teka mahilig ka rin ba diyan? Pansin ko kasi na parang palagi kang may stock niyan nung nasa WOM pa tayo. Actually 'yan 'yung favorite kong pagkain sa WOM." natatawang sabi ko sa kanya.

"I know." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Kinuha niya 'yung kamay ko at inilagay doon 'yung pagkain. Takang-taka parin ako. Parang may kutob na ako pero hindi ako sure.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Paano ko nalaman? Simple lang. Ako lang naman 'yung nagbigay nito noon sayo. Nakakaawa ka nga nun kasi hindi ka nakabili--" hindi ko na siya pinatapos at kaagad na niyakap siya.

Loko! Hindi pa sinabi sa akin 'yung totoo nung tinanong ko siya!

"Bakit hindi mo sinabi sakin 'yung totoo nung tinanong kita nun sa WOM? All this time ikaw lang pala 'to." sabi ko at naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sorry kung nagsinungaling ako. Ayoko lang kasi magbago ang pagtingin mo sa akin." sabi niya. Mabago? Bakit naman?

"Bakit naman magbabago?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tiningnan siya ng mabuti. Napangiti nalang ako.

"Kilala kita... Morven." nakangiti kong sabi sa kanya. "And I'm so proud of you. Napatunayan mo na sa lahat na malakas ka at hindi mahina." dagdag ko. Napansin kong umiwas ang mga mata niya sa akin. Kinikilig ba siya? Sabihin niyo ngang oo! Hahaha!

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon