Intro

1.6M 39.7K 8.5K
                                    

"Angelique, alam mo ba na ang ganda talaga ng reality mo? Hindi mo lang napapansin, pero sobrang ganda talaga ng buhay mo sa labas ng isang panaginip. At alam ko, mas gaganda pa iyon."

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala ang mga salitang binitiwan niya noon. Kung sabagay, palagi ko naman siyang naalala eh. Paano ko ba naman siya makakalimutan eh gabi-gabi niya akong binibisita sa panaginip.

Marami siyang sinabi sa akin dati na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ko.

"Maganda ang reality mo, Angelique."

Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin dati 'yan at pilit niyang ipinapakita sa akin ang reyalidad.

Napatingin ako sa paligid ko.

Puro mga hile-hilerang cherry blossom tree na dati eh akala ko, sa panaginip ko lang makikita.

Iba rin pala ang pakiramdam na makita ang mga 'to sa totoong buhay. Mas maganda, mas nakakamangha at mas surreal.

Pero may kulang pa rin.

Napapikit ako para mapigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.

Nakita ko na ang tinutukoy mo. Na-realize ko nang maganda ang reality ko. Alam ko nang marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Pero lagi ko pa ring iniisip, ano kaya ang pakiramdam kung nandito ka rin sa reality ko?

~*~

ALY'S NOTE


Hi guys! Lucid Dream is already published under PSICOM Publishing Inc. Ibinalik ko po ito sa Wattpad for the sake na mabasa niyo po pero if ever na mahalin niyo ang story, sana suportahan niyo rin po ang book version nito na mabibili sa mga bookstores nationwide. Php150. lang po. Salamat po

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon