Chapter 29: Pet's Training City

34.1K 1.8K 149
                                    

UNEDITED... BEAR WITH THE ERRORS.



DENISE



Naglalakad na kami patungo sa town. Tapos na rin kaming magdinner kaya bumalik agad kami sa laro. Nag-aalalang tumingin ako kay Fire. He's marked as a criminal now. Mabuti na lang, hindi kulay pula ang pangalan niya. It's still orange but he must still receive his punishment to bring back his name into color green. Maging si Ice ay nag-aalala rin para sa kapatid niya.



"You need to stay in jail for five hours," mahinang sabi ni Ice.



"I can't run and hide. Hindi na ako makababalik sa town kapag ginawa ko 'yon. Kung makabalik man ako, wala akong magagawa kundi ang magtago sa mga Royal Guards," naiiling na sabi ni Fire. "Right now, all we can do is to accept it," seryosong saad niya.



Malalim na bumuntong-hininga ako. Diretso ang tingin ko sa daan at natatanaw ko na ang matayog na gate ng Alkia Town. Tama si Fire. Hindi niya ito maaaring takasan dahil mas magiging malala lang ang lahat. Mas lalo siyang mahihirapan at baka lalong tumagal ang parusang ipapataw sa kanya.



Nang pumasok si Fire sa loob ng gate, agad na tumutok sa leeg niya ang mga spear ng mga Royal Guards. He was surrounded by five Royal Guards. Agad pinosasan ang mga kamay niya pero hindi lumaban si Fire. He just smiled and nodded to both me and Ice. He bid us farewell without any regrets. I'll see him soon. Everything's going to be fine. Kailangan ko lang maghintay ng ilang oras. Mabigat man sa kalooban ay tumango ako sa kanya. He can pay for his freedom but he choose not to. He was saving his money for a better cause.



Mabilis na lumilipas ang mga araw sa loob ng larong ito hindi katulad sa totoong buhay. Mataas pa rin ang araw sa lugar na ito. Malalaki ang ulap at bughaw ang kalangitan. The trees are green and the air is fresh. Naghiwa-hiwalay na kami ng iba kong kasama. Naiwan na lang kaming tatlo nina Ice at Silver. Hindi na rin namin kasama ang party nina Queen, Sky at Zero.



Kumunot ang noo ko. The Cathedral's large golden bell was ringing merrily. Like it was celebrating for a reason. Napansin ko rin ang mga players. May mga couples na sa laro. I hissed. Kung hindi agad ako makakahanap ng couple ko, mas madali nila akong mauungusan. Patuloy ako sa pagmamasid. Some couples were radiating auras as if they were in love with their partners. As if they were real couples. They were enjoying each other's company. At sa bawat minuto na lumilipas, bahagyang nadadagdagan ang mga experience points nila nang walang kahirap-hirap. Nasisiguro ko rin na maraming nadagdag sa mga quest nila. Mas madali silang aangat.



I checked my dashboard. Death and Athena are already a powerhouse couple now. Sila ang nangunguna sa ranking ng mga couples. I bet they don't plan on losing their spot to anyone. And I'm sure they could get special items and privileges while being number 1. Halos lahat na sa mga players ay naghahanap na ng mga maaari nilang makapareha. Walang nag-aaksaya ng oras. Napansin din ni Ice ang mga nangyayari.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon