Chapter 5

108K 2K 70
                                    

                                                                  ******

Tila dinudurog ang puso ni Lena sa tanawing nakita pagdating galing trabaho. Wala silang ilaw. Nagtitiyaga sina Jasper at Arabella gumawa ng assignment sa sala gamit ang kandila.

Walang ingay siyang pumasok at naupo sa bandang kusina. Napasapo siya sa kanyang mukha. Parang babagsakan siya ng mundo. Gusto na namang sumabog ng ulo niya sa problema.

Natanggal siya sa trabaho.

Nagbawas ng mga empleyado ang kumpanya dahil nalulugi na ito. Mahirap. Lagi na lang siyang talo. Kahit anong sipag at tiyaga niya subalit kapag pinag-aralan naman ang pagbabasehan ay wala pa rin siyang laban.

Paano na naman sila ngayon?

Si Jasper ang unang nakapansin sa pagdating ng kinikilalang ina at lumapit ito sa babae.

“Andito na po pala kayo…”, sabay halik nito sa pisngi ni Lena.

“… Mimi, bakit po madilim ang bahay natin?”

“Eh kasi anak….may nasirang wire ng kuryente sa labas.”, paliwanag ng dalaga habang pinipilit nitong ngumiti.

“Eh bakit po ang bahay lang natin ang madilim? Bakit po sa ibang kapitbahay natin may ilaw?”

“Ah-eh kasi…yung wire lang papunta dito sa bahay natin ang nasira…Huwag kang mag-alala Jasper, bukas na bukas din ay tatawag si Mimi ng mag-aayos ng kuryente natin.”

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon