Chapter 17

145K 5.2K 820
                                    


Charm's POV

Sinubukan namin, sinubukan naming hanapin sya pero wala talaga. Nalibot na namin ang buong school pero wala sya dito, nasabihan na rin namin ang mga teachers namin pero wala din silang magawa.

Malakas na rin ang hinala namin na yung mga kumuha sa ibang students dito ay ang kumuha rin sa kanya. Ano na kayang mangyayari? Sana makabalik sya agad.

"Nakaka inis, si Chord nailigtas natin pero si Flame. Si Flame pa yung hinde"

Nandito kaming pito sa dorm namin ni Flame, nag iisip parin.

"Di ko maintindihan, diba sabi mo Frost mga may hawak lang ng ice creation at controling magic ang mawawala ngayon?"-jeanne

Napatingin kaming lahat kay Frost, he looks exhausted. Kahit naman kasi hindi nya sabihin alam naming sa aming lahat sya ang pinaka nag aalala.

"I don't know, hindi ko na talaga alam" frost at napahilamos nalang sya sa mukha nya

"This is my fault, this is all my fault. Dapat nag research pa ako, pero kasi naman wala talaga eh. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi dapat sya nawala. Hindi ako maka isip ng dahilan kung bakit sya kinuha"-frost

"Paano kung umpisa palang mali na tayo?"-von
"What do you mean by that, von?"-axel
"Paano kung wala naman talaga silang pattern na sinusunod at yung mga malalakas lang ang kinukuha nila? You see puro taga floor natin ang nawawala, puro malakas ang nasa floor natin diba?"-von
"Kung ganon nagkamali ako?" Di makapaniwalang tanong ni Frost

Kahit ako hindi makapaniwalang nagkamali sya, kasi hindi pa nangyayari yon.

Natahimik nalang kaming lahat, ano na nga ba talaga? This is the first time na hindi kami naka solve ng isang kaso. I mean, nasanay laming lahat kaya naming gawin. Siguro nga masyado na kaming yumabang, masyadong napalagay na kung ano mang maisip o gawin namin ay tama. Nagpadalos dalos kami. Nakaka asar!

"Ow shit" I heard Axel cussed

Pagtingin ko, may pana na nakatusok sa tabi ng ulo nya. Nakasandal kasi sya sa pader na katapat lang ng bintana. Konting galaw nya lang malamang sya na ang tinamaan non sa mukha.

"Anong nangyari?"-jeanne

Tumakbo sina Von at Frost sa bintana para tingnan kung sino ang may gawa non, kami naman ay lumapit kay Axel para siguraduhing ayos lang sya.

"Okay ka lang?"
"Muntik nang hindi" sagot nyang nakatulala

"Wala kaming nakita na kahit ano sa labas"-von

"Look guys, may sulat na naka kabit dito sa pana"-johanne

Agad naman kaming nagsilapitan sa kanya

"Anong nakalagay?"-sky
"Go to her room and you'll find something that can bring you to her"-johanne

Nagkatinginan kami ng ilang segundo dahil sa sinabi ni Johanne but after 0.5 seconds nasa kwarto na kami ni Flame. Oh my God makikita ka na namin Flame!!

Naghanap lang kami ng naghanap sa room nya, nasaan na ba yon?

"Wait, di kaya prank lang yun?"-sky

May point si Sky, pero wala na akong paki.

"I found something! I found something!" tili ni Jeanne
"Oh ano na nakalagay?"-axel
"Basahin mo dali!"

Pero ilang segundo pa tinititigan nya pa rin yun at hindi binabasa, problema nito?

"Ano na?"-von
"Di ko mabasa, alien language yata to" inabot ni Jeanne yung sulat kay Von
"Hindi to alien language, code ito. At may time limit"-von
"Anong time limit?"-sky

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon