CHAPTER TWENTY

64.3K 1K 246
                                    

Binatukan ni Summer ni Clyde. "ANO BANG PROBLEMA MO HA? SABIHIN MO NALANG KASI HINDI YUNG ANG DAMI MO PANG ARTENG NALALAMAN."

Iritadong inalis ni Clyde ang magkabilang kamay niya na nasa pagitan ni Summer. "Anong problema ko? Ikaw Summer, ikaw!"

"Tch, oo alam kong malaki akong problema! Madami nang nagsabi sakin niyan! Marami nang nagsabing sakit ako sa ulo kaya hindi mo na yan kailangan pang ipaglantaran sakin, kasi alam ko naman 'yun!" Naiiritang sabi ni Summer.

"Ano bang sabi ko sayo dati ha? Diba sabi ko, ayokong gumagawa ka ng kung anu-anong mga conclusions d'yan sa kukote mo."

"Ano ba kasing kailangan mo ha? Bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon?! Hindi ka naman ganyan dati ah! Nakita mo lang kami kanina ni Gabby na magkasama, nagkaganyan ka na bigla!"

Hindi na umimik si Clyde at tumahimik nalang. Ganun rin ang ginawa ni Summer, so ayun. Nagtitigan lang sila saglit.

"Teka!" may na-realize nalang si Summer bigla. "Wag mo sabihing—"

"OO NA OO NA! NAGSESELOS NA KO! WAG MO NA RING IPAMUKHA SAKIN YUN! NAGSE-SELOS AKO DYAN SA GABBY NA YAN KASI NAMAN BAKIT SIYA PALAGI MO NALANG SIYA SINASABI, INIISIP, PINUPUNTAHAN. TAPOS AKO WALA LANG KAHIT AKO NAMAN PALAGI MONG KASAMA!" sabi ni Clyde, hindi niya na pinatapos si Summer dahil alam na rin naman nito ang sasabi niya.

"Nakakainis ka naman kasi! Puro nalang ako effort dito, pero hindi mo naman pinapansin. Puro ka pa rin Gabby, Gabby, Gabby!" tuloy niya pa.

Na-speechless bigla si Summer sa mga narinig niya. Masyadong na-higblood ang mokong! Hahaha, binatukan nalang tuloy siya ni Summer.

"Siraulo ka talaga. Sasabihin ko lang sana na baka may dalaw ka ngayon eh. Pero dahil pina-ngunahan mo ko, yan. Napaamin ka tuloy ng wala sa oras! Bwahahahah!" Naku po, si Clyde pa mismo nagsabing wag mag-conclude ng mga bagay-bagay ha!

Nanlaki rin ang mga mata ni Clyde, "A-anong sabi mo? H-Hoy! Joke lang lahat ng sinabi ko, wag kang assuming!"

Niyakap nalang siya ni Summer habang nakangiti, "Langya kang mokong ka. Alam mo ba kung gaano katagal akong naghintay para lang sabihin mo yan?"

"H-hoy a-anong sinasabi mo d-dyan?! Anong pinaghihintay mo d'yan? Umamin ka nga, may gusto ka rin sakin no?"

Binatukan ulit siya ni Summer, "Ewan ko sa'yo! Bahala ka nang intindihin lahat ng sinabi ko!"

Maglalakad na sana papa-alis si Summer, pero pinigilan ulit siya ni Clyde at hiwakan ito sa kanyang kamay.

"T-teka! Kung may g-gusto ka nga sakin, edi hindi ko na binabawi yung mga sinabi ko kanina. Hindi na joke yun." Naiilang na sabi ni Clyde.

"Eh paano kung wala akong gusto sa'yo?" Pang-aasar na tanong ni Summer.

"Edi binabawi ko na ulit! Wag mo nga akong nililito!"

Pagkatapos nun ay hindi sila umimik, naging tahimik lang ang paligid. Loko, nagkahiyaan pa ang dalawa! Parehas silang maraming gustong sabihin sa isa't-isa, pero wala namang lumalabas sa bibig nila.

"Clyde," Si Summer nanaman ang gumawa ng first move.

"Oh?"

"Si Gabby—"

"—Gabby nanaman." Singit ni Clyde.

"Ano ba masyado kang seloso! Ganyan mo ba talaga ako kamahal?!" tanong ni Summer, pero medyo nang-aasar.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon