BDOD #16

15.4K 504 17
                                    

Vice was running as fast as he could dahil ilang minuto narin siyang late. When he's already at the backstage ay sinenyasan niya ang isang staff to give him his mic. When he got his mic, he immediately ran papunta sa stage. It was That's my Tomboy segment and the three hosts were currently asking a question.

"Viceral!" Billy mutterred as he tapped Vice on the shoulder. "Mukhang gumimik ka nanaman!"

"Hello madlang people!!!" Vice greeted sabay wave ng kamay sa madlang people. He turned to Billy and playfully pulled his Bestie's hair. "Hindi na nga ako gumigimik! Ihinatid ko lang si Klang sa hospital then binisita ko narin si Karylle,"

"Ay! Hello Binibining Kurba, if you're watching! Get well soon, ha? Namimiss ka na namin!" Vhong said.

"I'll see you later, Karylle! Tsikahan tayo," sabi naman ni Anne na hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Kagigising lang nung tao dadaldalin mo agad," komento ni Billy.

"Eh sa na-miss ko si K, bakit ba?"

"Ana Klarisse! Paka-inin mo yung nanay mo ha? Sasabunutan kita pag di mo pinakain mommy mo," pagbabanta ni Vice as he smiled sweetly. "I love you! I love you so so much!"

"Uy!"

"Para kanino yun?" Billy muttered sarcastically. Pabiro naman siyang hinampas ni Vice ng mic. "Para kanino yun?"

"Wag nga kayong ano, uy pasensya ka na; nainterrupt pa yung pageant!" pagsasawalang bahala ni Vice sa tanong ni Billy and just focus on the contestant.

"Ikaw na nga magtanong, bestie! Tutal ayaw mo namang sagutin yung tanong ko," Billy said as he handed Vice the question. Tinignan naman ng binata ang tanong, trying to make some jokes pero nang mabasa niya ang kabuuan ng tanong ay napangiti ito na tila nahihiya.

"Bastos ka Bestie," nakasimangot na sabi nito without his mic. Billy laughed out loud with his mic na ipinagtaka naman nila Anne at Vhong.

"Bakit?"

"Wala. Eto na nga," then he started reading the question. "Kung halimbawang may lalaki na handang gawin ang lahat maipakita lang sa 'yo ang malinis niyang intensyon at pagmamahal, may posibilidad ba na magbalik loob ka bilang babae at kung handa ka bang pumasok sa isang relasyon bilang ikaw ang girlfriend? Oo oh hindi, at bakit?"

Pagkatapos basahin ang tanong ay pabalibag na itinapon ni Vice ang papel sa mukha ni Billy na ikinatawa naman nila Vhong at Anne. Kung babaliktarin kasi ang katanungan ay sapul na sapul ito sa pinagdaanan nila Vice at Karylle.

Vice reversed the question on his mind at inisip kung ano ba dapat ang magiging sagot niya. Minutes passed, hindi namalayan ni Vice na natapos na palang sumagot ang contestant at siya na ang pinagkukwentuhan ng mga kasama niya.

"Pinagtatawanan niyo nanaman ako," Vice muttered sabay frown.

"Kung ikaw ba ang tatanungin at babaliktarin natin ang tanong, halimbawang may babae na handang gawin ang lahat masungkit lang ang puso mo... magbabalik loob ka ba?" tanong ni Vhong with hand gestures pa. Nagsitilian naman ang audience na tila na-eexcite din sa sagot ni Vice.

"If you asked me the same question, three years ago? My answer would be a big NO!" sagot nito na nagcross-arms pa. "Baklang-bakla ako noon! Never pumasok sa isip ko na jojowa ako ng merlat no,"

"Eh ngayon ba? Are you now open to commit into a relationship with a girl?" pagtatanong naman ni Anne na lumipat sa tabi ni Vice while waiting for his answer.

"Kung... ay ano ba yan! Ayoko na nga," kinikilig na sabi ni Vice na nag step backward pa sabay iling. "Bakit ba kasi ako ang tinatanong niyo?"

"We just want to know kung open ka na ba sa relationship with a girl. Eh diba may anak ka na?" pag-iinsist ni Anne.

"Oo na. Handang-handa ako ngayon. Gusto ko ng sumaya," he answered. "Gusto kong mabigyan ng buong pamilya yung anak ko,"

"So handa kang bawiin si K--

"Maraming-maraming salamat para sa napaka-ganda mong sagot, Vicky--" pagpuputol ni Vice sa dapat ay sasabihin pa ni Billy.

-.-.-.-.-

Mag-isang nagpapalipas oras si Vice sa loob ng Dressing room niya. He couldn't avoid to think kung ano na ba ang magiging takbo ng buhay nila ni Karylle ngayong may nag-uugnay na sa kanila... si Klang. He really doesn't have an idea on how he would start talking to Karylle about their issues.

The door suddenly opened at kita niya ang pagpasok ni Billy mula sa reflection nito sa salamin.

"Why are you still here? Hindi ba dapat puntahan mo na yung mag-ina mo?"  Billy muttered. Pansin nito ang pag-iba ng emosyon sa mukha ng kaibigan and by that, he already knows na Vice is up with something. "Problem?"

"Natatakot kasi ako, Bestie. Natatakot ako sa pwedeng sabihin sa 'kin ng mga magulang ni K." he confessed.

"Hindi ka naman na siguro nila kukwestyunin. They already did during the first months of Karylle sa hospital. Ilang masasakit na salita naman na yung sinalo mo," sagot ng binata in a way of comforting Vice.

"Iba naman kasi yung noon sa ngayon. Noon, walang malay si Karylle. Eh ngayong gising na siya? Sigurado akong hindi na nila ako hahayaang lumapit pa kay Karylle. Baka nga kahit dulo lang ng daliri niya, hindi ko na mahawakan..."

Vice burried his face on his hands. Literal na namomroblema siya ngayon kung paano niya sisimulang ayusin ang gusot na ginawa niya between him and Karylle's family.

"Ano ng plano mo?"

"Hindi ko alam. Wala akong kahit na anong idea on how am I going to fix this." Vice answered sa tonong parang sumusuko na. "Gusto kong mabuo yung pamilya ko, Billy... pero hindi ko alam kung paano."

-.-.-.-.-











































Lhein: Ilang araw ba akong nawala? Hehe! Sorry! Nag-focus kasi ako sa Thesis Defense! Alam niyo na, natatakot akong bumagsak! Baka mapalo ako, chos.

No ViceRylle moments on this chapter but hey, nag-update ako! Plus... kota din naman kanina sa Showtime! Nag-HANDventure nanaman si Vice! From Karylle's shoulder down to her waist! Iba ang GALAWANG VICERAL! :))

You know the RULES! *wink*

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon