Kabanata 44

718K 15.5K 3.4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 44 

Kinalabit ako ni Shiloah at halos napatalon ako sa kinauupuan ko. Kanina pa ako malalim na nag-iisip. Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi niya na sobra niya akong gusto. Alam ko naman 'yun pero nakakapanibago pa rin na marinig.

Hindi ako sanay na masyado siyang open.

Hindi ako sanay na may tao na pinagsisigawan na gusto niya ako.

Sobrang nakakapanibago.

"Magsasara na 'yung coffee shop," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na kaming tatlo na lang 'yung tao. Si Tobi sa harap ko, natutulog na. Actually, kanina pa siya natutulog at mukhang antok na antok na siya. Mukha namang well-reviewed na siya. Kung hindi, bahala siya. Madedelay siya sa practicum kapag bumagsak siya sa kahit ano'ng subject.

Tinanggal ko iyong earphone sa tenga ko at saka nag-inat. Ilang oras din akong nagreview at ang sakit na ng mga mata ko at likod pero worth it naman. Naging productive ang araw na 'to. Mabuti na lang at nagawa ko pa rin na tapusin lahat ng dapat kong aralin kahit na medyo nabigla talaga ako sa tanong ni Shiloah kanina.

Nagsimula na kaming iligpit iyong mga gamit namin nung mapatingin ako sa natutulog na si Tobi. Ano bang ginagawa na 'to kapag gabi at mukhang palaging puyat?

Tumayo ako at kinalabit siya.

"Gising na."

He just groaned and kept on sleeping.

"Gising na," I repeated but he just turned his head on the other side. Napailing na lang ako at saka tinignan si Shiloah. "Ayaw niyang gumising."

Napaupo kaming dalawa. Hindi naman namin siya pwedeng iwanan dahil kawawa naman siya pero hindi rin namin alam kung paano namin siya gigisingin. Baka kasi magalit si Tobi kapag inistorbo namin 'yung tulog niya. Normal na araw nga nakakatakot na siya, paano kapag galit na talaga siya?

"Miss, magsasara na po kami," sabi nung isang staff sa coffee shop. Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo ulit. Dahan-dahan kong tinapik sa mukha si Tobi hanggang bumukas iyong mata niya.

"Aalis na tayo," I told him. It took him exactly three seconds bago siya tumayo. Kinuha niya iyong mga gamit niya at para siyang robot. Parang hindi ako nahirapan na gisingin siya sa arte niya. Paglabas namin, wala pa si Manong Roger. Nakatingin lang din ako kay Tobi dahil parang anytime ay tutumba na siya. Singkit na nga siya tapos parang nakapikit na rin talaga iyong mata niya. Antok na antok talaga siya.

I looked at Shiloah. "Marunong kang magdrive?" He nodded. "Hatid natin si Tobi? Mukhang antok na antok na talaga siya, e."

Tumingin sa kanya si Shiloah at ayun, halos nakapikit na si Tobi. "Okay," sagot niya.

Tobi didn't even argue when I told him na si Shiloah muna ang magddrive ng sasakyan niya. Kung iba 'to, hindi papayag for sure. Si Parker nga dati kahit ako ayaw pahawakin ng sasakyan niya. Boys and their toys.

Shiloah revved the engine and then looked at me.

"Alam mo kung saan ang bahay nila?" he asked and I nodded. Nakita ko na naman iyong disappointment sa mukha niya dahil doon. Nakita ko sa rearview mirror na tulog na si Tobi sa backseat.

"Nagseselos ka na naman?"

Hindi siya sumagot.

"Akala ko tapos na tayo dito? Kaya ko nga pinakilala si Tobi sa 'yo para malaman mo na friends lang talaga kami."

Tahimik lang siyang nagddrive. Ako naman, napailing na lang. Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Kahit ilang beses ko yatang sabihin, hindi pa rin siya maniniwala na wala naman talagang dapat ipagselos.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon