Chapter 12 : No Way In Hell

71.5K 2.4K 637
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ]




"Pwede ba tumigil na nga kayong mag-ama!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw nang makita kong babangon pa sana si Alexei para sugurin ang ama. Alex, ano ba 'tong nangyayari sa mag-ama mo? Ayaw ko man aminin pero ikaw ang nagiging dahilan kung bakit mas lalong nagkakalayo ang dalawang ito sa isa't isa. Kung hindi ka sana namatay ... 



Tinulungan naman bumangon at tumayo ng maayos ni Finn ang kuya niya. Bara barang pinunasan ni Alexei ang dugo mula sa putok niyang labi gamit ang kamay niya. "Bakit auntie? Hindi ba totoo? Hindi ba't nawalan naman na talaga siya ng pakialam sa amin simula ng mamatay si mom?! Wala siyang ginawa noong mga oras na mamamatay na si mom! Walang nagawa ang trabaho, mga tauhan, at pera niya!" muling pang-iinsulto pa ni Alexei sa kanyang ama. 



Kanina pa nagkakaganito ang eksena simula nang puntahan nitong panganay na anak si Spade para humingi ng tulong upang hanapin si Valor. Lahat nagkakagulo na sa mansyon dahil maliban sa nawawala ang isa sa mga young masters nila, nag-aaway pa ang dalawang ito. Dahil hindi kaagad tumugon si Spade sa pakiusap ng anak, dito nabuhayan ng dugo si Alexei para sagut-sagutin ang ama at pinagpatuloy niya na banggitin ang mga kakulangan ng ama nila sa loob ng ilang taon. 



Ni wala rin akong magawa dahil marami pa ring mga tauhan ang nandito kung kaya't hindi ako makasingit bilang kaibigan ni Spade at auntie ni Alexei. "Hindi totoo 'yan. Ginawa ko ang lahat para iligtas si Alex. Hindi mo alam ang mga ginawa ko para lang mabuhay siya!" nagtitimping sagot ng kanyang ama sa kanya. Initsa naman niya ang mga kamay na pumipigil sa mga braso niya.



"Kung ganoon si mom lang ba ang mahalaga sa'yo? Wala ka na ba talagang pakialam sa aming magkakapatid? Paano si Valor? Nawawala siya ngayon at walang nakakaalam ni isang lintik sa mga tauhan natin kung nasaan siya! Anak mo pa rin naman kami di ba?!" paghihimutok pa ni Alexei. Pilit niyang hinahabol ang paghinga niya upang maipagpatuloy ang panunumbat sa ama. Marahil ay dala na rin ng matagal na pananahimik at pagkukupkop ng mga masasakit na naranasan at naramdaman. 



I can't help but to feel guilt. Ako, alam ko sa sarili na ginawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para lang mailigtas ang buhay ni Alex pero tulad ni Spade, nabigo rin ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanila at baka kahit kailan ay hindi ko na mabulgar pa ang nalalaman ko. Mali ba ang nagawa kong pagtatago noon? Pero kahit man pagsisihan ko iyon ay wala naman nang magbabago dahil patay na si Alex. Patay na ang kaibigan ko.



Matapos ng huling sinabi ni Alexei ay napatahimik na lang bigla si Spade. Tila hindi niya mahanap ang mga tamang salita upang depensahan ang sarili niya. At ano ang dahilan? Dahil alam kong alam din niya sa kaloob looban niya na mali talaga siya na nagawa niya at ayaw lamang niya itong aminin. Ganito na ang nangyaring kaibahan simula nang mamatay si Alex. Nakakapanghinayang... 



Napag-alaman namin kanina na mga tatlumpung minuto matapos naming umalis upang dalawin ang puntod ni Alex ay pinuntahan ng isa sa mga maid dito ang kwarto ni Valor at hindi niya ito natagpuan doon. Hindi naman daw niya kaagad na inabala ang presensya nito dahil mahilig ang batang iyon na magtago o di kaya'y magpunta sa mga kwarto ng kuya niya. Ibig sabihin ay kanina pa nawawala ang batang iyon at wala man lang nakapansin. Oh Lord. Sino namang magtatangkang kidnapin ang batang walang kamuwang muwang? 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon