Chapter 49

121K 1.5K 381
                                    

Clyde's POV

“Sir, your meeting will start in 10 minutes. Are you ready?” Tanong ni Shei sakin, secretary ko.

“Yes. Si Mr. Rodriguez, nandun na ba?”

“Yes sir. Anyway, Ms. Montez will be—“

“Keiden!” Agad kong sinenyasan si Shei na lumabas na. Sumunod naman agad siya.

“What are you doing here, Trixie?”

“Wala lang. Na-miss na kita. Tara date?” Sabi pa niya sabay upo sa isang vacant seat sa harap ko.

“I can’t. I have an urgent meeting.”

“Tss. Sama ko.”

“No.” Sabi ko at tumayo na sa swivel chair ko. “It’s a serious meeting.” Napataas naman ang kilay niya at tumayo din para ayusin ang tie ko.

“The merger, eh?”

“Yes. Kaya umuwi ka na. Dadalawin na lang kita. Tska baka magselos si—“

“Shut up! LQ kami. Isa pa, urghhh! Change topic nga Sarossa.” Trixie will always be Trixie. Wala kaming relasyon. Hanggang kaibigan lang talaga kami. Isa pa—

“Oh anyway, have you heard about the Samaniego’s come back?” Agad naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Oh? Ba’t natulala ka? Gosh. It’s been 3 years Keiden. Wala ka bang balak umusad diyan?”

“Wala.” Sabi ko at lumabas na ng opisina ko. Tatlong taon. Tatlong taon akong nabuhay na wala si Selena sa buhay ko. Ni hindi ako nag girlfriend dahil umaasa akong babalik siya. Pero tangina lang talaga ang tadhana napaka-daya.. Tatlong taon na walang pagbabago sa buhay ko bukod sa ako na ang nag hahandle ng kompanya namin. Hindi na rin kasi kaya ni papa dahil may iba pang branch ang Sarrosa's Inc. Nagsubok akong bumalik sa pagiging "Clyde Playboy" pero sa bawat babae na nakakasama ko, si Selena lang talaga yung nakikita ko. Bawat pangbababae ko, nandyan lagi si Trixie at Sabrina para pigilan ako. Tangina lang talaga sa kadayaan ang mundo..

Tatlong taon na simula nung huling pagkikita namin. Sa TV at Magazine ko na lang siya nakikita. Sila ni Saturn. Alam kong wala akong karapatang magselos pero hindi naman sigurong masamang masaktan ako.. Hindi ko alam na magiging mabilis lang ang tatlong taon pero.. sa loob ng taon na yun, walang pagbabago sa nararamdaman ko sa kanya. Tss. Isang sikat na fashion designer na siya. Isa na din siyang kilalang model sa L.A halos tinitingala na siya ng lahat ngayon..

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon