Chapter 37

68.2K 1.4K 322
                                    


Dedicated to welalee


"You should meet them, siguradong makakasundo mo sila since you are all in the same profession."

"Who..?"

"My friends, Dave and Liza. Dave is here everyday and Liza is coming on Saturday."

"hmmm." she mumbled.

My lips curled into a smile while looking at Margarette fighting to keep her eyes open, battling her sleepiness.

Dapat kanina pa ako umalis pagkatapos nitong kumain ng hapunan but I enjoy her company so much that I extend my welcome, and she seems doesn't mind that I overstayed.

It's odd that we have met only today pero parang matagal na kaming magkakilala. After we got over our initial awkwardness, hindi na kami nauubusan ng pinag uusapan. Margarette asked a lot about me, my life in politics and it pleases me that she's curious about me, just I'm interested about her.

Though, I noticed that she tried to avoid answering most of my questions, lalo na pag medyo personal na ito, but I understand her, I'm still a stranger after all para maging bukas siya sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili niya.

I heard Margarette mumbling incoherently, already asleep that I felt bad for forcing her to stay awake this long.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

My emotions in turmoil.

I don't want to leave.

But I don't want to scare her either if she finds me still here when she wakes up tomorrow. Ayaw kong maalarma ito pag napansin niya ang hindi ko maipaliwanag na obsession ko sa kanya.

Dahan dahan kong binuhat si Margarette para iayos ang pagkahiga niya and carefully buttoned up the jacket I insisted that she put on. Making sure she'll be warm and comfortable for the rest of the night.

"Sweet dreams Margarette..I'll see you tomorrow." I murmured and gazed at her with a heavy heart.

The thought of seeing Margarette again tomorrow is the only thing that gave me the courage to leave her finally.

******

"Sabi mo babalik ka kaagad! My God Alex! It's already past midnight, ano ba ang merong importante sa Malawi na kailangang puntahan mo ito sa kalagitnaan ng gabi!" agad na salubong sa akin ni Janet pagbukas ko ng pinto.

Dagling napawi ang ngiti na kanina pa naglalaro sa mga labi ko mula ng iwan ko si Margarette ng pagpasok ko ng mansiyon ay bumungad kaagad sa akin ang mataas na boses ni Janet. Nakatayo ito sa huling baitang ng hagdanan, nakapameywang at galit na nakatingin sa akin.

"I texted you, I told you not to wait for me dahil nga gagabihin ako." madiing sagot ko.

"kahit na! hindi mo man lang ba naisip na nag aalala kami sa'yo? lalo na ayaw mong sagutin ang tawag namin?"

"Tawag niyo or tawag mo lang? for God's sake Janet! give me a break. Hindi sa lahat ng oras pwede kong sagutin ang minu-minuto mong tawag and this is not the first time na inuumaga ako sa labas." pinipigilan kong hindi mapalakas ang boses ko. Iniiwasan kong mabulahaw ang mga taong natutulog na dahil sa away namin ni Janet.

Away na lagi ng nangyayari nitong mga nakaraang linggo dahil sa wala sa lugar na selos nito. I was not exaggerating when I said she called me every minute, dahil yun talaga ang ginagawa niya pag hindi kaming magkasama na dalawa.

"O baka may lumalanding babae sa'yo dun kaya ka ginagabi! Akala mo hindi ko napapansin na ilang araw ng naglalagi ka sa Malawi! who is she? tell me Alex, what's the slut's name!" pang aakusa nito.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon