Chapter 11: You're Not A Good Actress

271K 7.7K 1K
                                    

XYRA

Huwebes. Papunta na ako sa training room. I'm wondering if Clauss and Selene would be practicing today. Hindi sila nag-training kahapon. Clauss and Selene left the room without giving time to the training. They're not interested at all. They seemed like they were pissed off.

Clauss, with that fierce and serious look upon his face that made him look even more dangerous. And Selene, with the irritated expression because she's not used to seeing me around. Parehong wala sa mood ang dalawa kahapon. Napabuntong-hininga ako habang tinatahak ang daan patungo sa training room.

I'm praying that they won't show their faces in training today. Pakiramdam ko kasi sasabog ang training room, maging ako ay kasamang sasabog kapag magkakasama kami. They look like dragons that don't intend to show any mercy for their prey. Lahat ay nagpapalakasan, ayaw magpatalo sa isa't-isa. Gustong tumaas ng mga balahibo ko sa katawan kapag naiisip ko ang mga nakakabaliw nilang kapangyarihan.

But I didn't have the time to be intimidated now. Hindi dapat maapektuhan ang training ko. My father is waiting for me. Kailangan kong lumakas. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa kanya. I got a little paranoid and imagined insane things. Naiisip ko na baka pinapahirapan si Dad. Gusto kong umiyak pero pinigil ko.

Pagpasok ko sa loob ng training room, wala pang katao-tao. Ako ang unang dumating. Alas-otso lang ng umaga kaya hindi na kataka-taka iyon. Malalakas na ang mga kasama ko kaya hindi na nila kailangang magsanay ng maaga. Dahil wala pang tao, napagdesisyunan kong subukang kontrolin ang hurricane blades. Hurricane blades ang naisip kong itawag sa technique ng pinagsamang air blades at hurricane.

I concentrated on merging the hurricane with air blades. Ngayon mas madali ko nang nagagawa ito. Hindi na ako nahihirapang maglabas ng parehong pressure ng hangin para sa dalawang technique. But when I release the technique, the hurricane blades wouldn still go rampaging around the room. I stopped it and made it vanish. It would cause too much damage inside if I let it run loose.

"Easy. You have to be careful when releasing such dangerous technique."

Napalingon ako kay Akira. Kapapasok lang niya. Napatingin ako sa isang sulok ng training room. Nandoon na si Clauss at nakaupo. Hindi ko napansin ang pagpasok niya. Clauss was glaring at me intently. Why did I have this feeling that I've done something wrong? Ibinaling ko ang paningin kay Akira na naglalakad palapit sa 'kin. Hindi ako sanay sa tingin ni Clauss. It's as if his eyes could see right through my soul.

"Hindi ko napansin na nakapasok na pala kayo," usal ko. Manhid ba ako o mahina lang talaga?

"You're occupied by your thoughts. Maybe you're thinking of other things aside from mastering the technique?" wika ni Akira.

Napatungo ako. He's right. I'm thinking that if I mastered the hurricane blades, it might help me rescue my father. Sa tuwing iniisip ko iyon, hindi ko namamalayan na nagagalit ako. I didn't want to admit it so I looked at Akira and faked a smile. Ayaw kong idamay siya sa mga problema ko.

"Magsasanay na ba kayo?" pag-iiba ko ng usapan. Nagkibit-balikat si Akira at lumapit sa 'kin, malapit na malapit. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. He smiled at me. I'm not good at reading people's expressions but I got his message. His smile was saying that everything will be alright... or was it just my imagination? Marahang ginulo niya ang buhok ko at bumulong, "Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. I'm always here for you."

I was touched by his kind words. I felt like crying but I held my tears back. I didn't want to be a crybaby anymore. That would only show how weak I am. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Still, I didn't feel like sharing my personal problems, but I really appreciated his kindness.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon