Kabanata 1

15.1K 274 16
                                    

Kabanata 1
Prizia Academy


I open my eyes and close the shower. Binilisan ko ang ginawang pagpapalit ng damit. I went straight to the living area as I heard Papa calling me.

If only Mama was still alive my life would be easy and happy. She died giving birth to me, and I, at first, blame myself for that. Kung sana ay hindi ako nabuhay ay masaya sila ni Papa.

Kung sana naman at buhay pa siya at nakayanan niya, may chance pa na magkaroon ako ng mga kapatid. That's one of my dream, actually, pero ngayon sobrang imposible naman na.

"Maribella! Bumaba ka na! You're taking so much time!" Halos takbuhin ko ang pagbaba dahil sa sigaw niya.

"Yes! Malapit na po papa Emmiel!" I shouted back. Nanahimik na siya katatawag sa akin.

Kinuha ko ang earphones at nakinig ng paborito kong kanta. Nakakainis. Lilipat ako ng bagong school at hindi ko alam kung ano'ng dahilan ni papa.

I am comfortable and happy in my school before that's why I don't understand why there's the sudden change of school. Senior high na and yet here's my papa planning to enter me in a prestigious school.

The Prizia Academy.

Kung hindi lang ako mabait na anak ay baka nagdabog at nagreklamo na ako sa kaniya. Nang sabihin niya na roon na ako papasok ay natahimik lang ako at wala ng ginawa pa. Though, I admit, I am not in the mood that time.

Magiging maayos naman kaya ang buhay ko roon?

"Ma'am tawag na po kayo ni Sir Emmiel, ibibigay na po yata 'yong uniform n'yo para raw bukas," wika ng kasambahay nang katukin niya ang pintuan ng kuwarto ko.

"Sige po, pababa na Ya. Just tell Papa I'll do a quick shower!" Wala akong sagot na nakuha pero alam kong umalis na nang tuluyan si yaya Ming.

I'll ask Denice to help me buy my school supplies. Mas gugustuhin ko naman na kasama siya kaysa ang mabagot akong mag-isa. Denice is my childhood friend. Limang taon palang ako ay magkakilala na kami. I don't really remember how me met. Noon kasing elementary ay lagi ko na siyang kasama pero nagkahiwalay kami ng school nang mag highschool na.

I wore a simple plain shirt and jeans. I'm not really a fan of dress or any revealing clothes. It's not that I hate it, minsan ko nga lang talagang suotin. Maybe if there's an occasion then I can wear one.

Hinanap ko si Papa pagbababa at nakita ko siya sa may sala hawak ang isang paper bag.

"Pakisukat naman nito hija," aniya, inabot sa akin ang hawak. Binuklat ko ang paper bag.

It's my uniform. New uniform for the new school. Nangunot ang noo ko nang makita ang buong itsura no'n.

"Are you kidding me Papa?"

Bakas ang inis sa mukha ko habang pinasadahan ng tingin ang hawak. What is these? Uniform just like in a Japanese school? Ang palda ay hanggang tuhod lang at ang blouse naman ay fitted, plus may blazer na longsleeve pa.

Sinukatan man ako pero hindi ko naman alam na ganoon pala ang sukat.

"Pa, hindi ba pwedeng pantalon nalang o kaya 'yong mga palda kong mahaba 'yong suotin ko?"

He gave me a serious face. He crossed his arms and shake his head.

"Hindi pwede. You're entering a private school Maribella. So probably by now you should know that the uniform style are different."

Bumuntong hininga na lang ako at tumango. I have no choice. Unless I'll go back to my old school. They're uniform was far way more comfortable for me.

"Fine, Pa." Umayos siya ng upo bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Papasama po sana ako kay Denice bibili ng school supplies."

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon