Chapter 54

956K 20.4K 5.5K
                                    

Chapter 54

Tumalikod siya pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung bakit nagsalita pa ako. Hindi naman kasi talaga ako sumasagot pag ginaganito ako ni Drake eh. Medyo sanay na kasi talaga ako na ganito yung ugali niya.


"Drake," tawag ko ng mahina. Huminto siya sa paglalakad pero hindi pa din siya humaharap sa akin. "Galit ka ba talaga sa akin?"


Natahimik siya for about a minute, siguro iniisip niya din kung ano yung sasabihin niya. Alam niyo naman si Drake, minsan lang magsalita pero pag nagsalita, either kikiligin ka o masasaktan ka. Lagi namang either of the two lang yan.


"Why would I?"


"Kasi... kanina mo pa ako hindi tinitignan."


Humarap siya sa akin at nagsmirk. Hay, Alys. Eto na, masasaktan ka na naman sa sasabihin niya. Ang kulit ko din kasi! Bakit ba nagsalita pa ko? Dapat hinayaan ko na lang siya na umalis eh! Medyo masokista din kasi ako!


"Get over yourself, Alys. We're over, you said it yourself," sabi niya tapos pumasok na siya sa sasakyan niya.


Tama naman kasi, wala na kami pero bakit ganun siya umasta? Parang ang bitter niya! Haay, Alys. Magconcentrate ka na lang sa ibang bagay. Kung kami talaga ni Drake, magiging kami din. Hindi ko na kailangang mag effort.


Pumasok muna ako sa bahay, ang tagal naman kasi ni Marco eh.


"Ate Alys?" napatingin ako.


"Oy, Dilly bear! Bakit ka nandito?" sabi ko. Si Dillon, anak ni Tito Dave at Tita Sara. Hehehe baby bro ko din 'to. Magka age sila halos ni Dane eh, bale isa siya sa playmate ni Dane.


Naupo siya sa swing. "Dumaan si mama eh, may ibibigay yata kay Tita Dana. Ikaw, ate? Bakit ka nandito?"


Umiling ako. "Wala lang, hehehe."


"Tss. Sinungaling. Umiiyak ka, no?" sabi niya. "Susumbong kita kay Dane! Alam mo namang nagagalit yun pag umiiyak ka eh. Sino ba nagpaiyak sayo? Yung pangit na Drake na yun?"


"Ha? Bakit niyo kilala si Drake?!!"


Natawa si Dilly. "Ate naman, kami pa ni Dane? Basta, ate. Pag pinaiyak ka ulit nun, alam mo na," sabi niya tapos naglakad na siya papasok ng bahay. Nako, napakapa cool talaga niyang si jan Dillon Cruz! Siya yata ang anak ni daddy eh! Ang goody boy ni Tito Dave tapos super playboy ni Dilly!


Tahimik na naman akong naghihintay, nako. Ang late dumating niyang si Marco ha!


"Oy, Alys."


"Ay anak ng butiki!!"


Natawa naman siya. "Masyado ka namang magugulatin. Tara na, ice ka na ba?" sabi niya habang nakasandal sa puno dun. Jusko naman, ano ba ang meron sa mga Palma na iyan? Masyado silang hot!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon