Chapter 55: Turn of events

403K 12.4K 5.4K
                                    

Tamara's Point of View


Since day off ko ngayon, nakipagkita ako kila Piper sa clubhouse malapit sa kanila. Nang makarating ako doon, nandoon na siya kasama si Warren at Nate. Sa ilang buwan na magkakakilala kami, ineexpect ko na pagdating ko, aabutan ko silang nag-iingay, nagdadaldalan, nagbabatuhan ng kung ano man ang pwedeng ibato o kaya kahit mga nagkwekwentuhan man lang. Kaya lang hindi 'yun ang inabutan ko.

Pagdating ko doon, nakaupo si Piper at nakapalumbaba. Katapat niya si Warren na nakatahimik naman at nakapikit habang nakataas ang paa. Samantalang si Nate ay nasa may railings at nakaupo sa may marble doon.

Kakaiba ang atmosphere sa lugar na 'to. Weird.


Nilapitan ko si Nate dahil siya ang pinakamalapit sa akin. "Lalim ata ng iniisip natin. May ano?"

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. Umatras siya dahilan para malaglag siya at dumiretsyo sa may halamanan.


"Nate! Anong nangyari sa 'yo?! Ayos ka lang ba?!"


Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Para siyang nakakita ng multo. Tumakbo ako palabas para puntahan siya. Nakasunod na rin sa akin si Piper at Warren na parang kanina lang ay may mga sariling mundo pa.


"What happened?" tanong ni Piper at inalok ang kamay niya kay Nate. Tinanggap naman niya 'yun at tumayo.

"Off balance lang. Nagulat lang ako sa pagdating ni Tamara."


Masyado lang kasi silang tahimik kaya siguro nagulat nang makarinig ng ingay.

Bumalik na rin kami sa loob pero parang ganoon pa rin ang atmosphere. Mabigat pa rin. Hindi ko alam kung may mga problema ba ang mga 'to. Kung meron man, ayos din at sabay sabay silang nagkaroon ng problema. Damayan ba talaga?


"Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ko sa kanila para man lang mabawasan ang katahimikan.

"Not really, but I want to eat some junk foods," sagot naman ni Piper. Samantalang si Warren ay umiling.

"Bibili ako. 'Yung malapit lang ba sa may entrance 'yung tindahan dito?"

"Nah. Mas may malapit doon. Nate will accompany you."


Mukha namang nagulat si Nate nang marinig ang pangalan niya at tinanong pa kung bakit namin siya tinawag. Inutusan siya ni Piper na samahan ako sa tindahan kahit na kaya ko naman. Huwag lang matatapatan na may aso. Mahirap na.


Habang papunta kami sa tindahan, hindi pa rin umiimik si Nate. Kapag nagtatanong ako isang salita lang 'yung sinasagot niya. Sobrang weird. Sobrang layo niya sa normal na Nate.


"Nasaan nga pala si Hailey?"

"Wala, eh."


Ugh! Syempre wala! Itatanong ko ba kung nandito siya?

Ayaw niyang magsalita? Edi okay. Hindi na lang din ako magsasalita. Hindi ko na papahirapan sarili ko bumuo ng conversation kasi mukhang imposible naman 'yun sa ngayon.


Nang makabalik kami sa clubhouse, wala pa rin pagbabago. Ganoon pa rin silang tatlo. May interaction naman na nagaganap pero siguro ilang palitan lang ng sentences matatapos na ulit 'yung pag-uusap. Parang mga lutang.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon