Blood 6

19.9K 779 64
                                    

"Huwag mo siyang ikubli sapagkat alam naming nandiyan lang siya. Ilabas mo siya!"

Napapitlag si Elisse nang makarinig ng hindi pamilyar na boses ng lalaki. Ang kaninang magandang tanawin na kinalalagyan niya ay unti-unting nagbago.

Nagdilim ang paligid at nabuo ang mga pader, ang sahig, at ang kisame. Sa paningin niya ay lumitaw ang bulto ng mga tao na hindi niya pa nakikita kahit na kailan ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang pamilyar ang mga ito.

Hindi niya maiwasang maisip kung nakilala niya na ba ang mga ito noon o ano.

Pumasok sila sa loob ng bahay, halatang naghaganap. Bumakas ang galit sa mga mukha nito at ngumisi ng mabalasik nang matanaw nila ang dalawang dalaga na mukhang wala pa sa dalawampu ang edad.

Sa galit nila ay unti-unting nagkulay-apoy ang kanilang nga mata. Napamaang si Elisse sa nasaksihan.

Mga bampira.

"Sinabi na nga ba at narito ka," anang tinig ng isa sa mga lalaki.

Humakbang paabante ang dalaga, itinago nito sa likuran ang isa pang babae na taglay ang isang nakahuhumaling na ganda. Humarap ang dalaga sa babae at ngumiti. "Senon, magtago ka, pakiusap."

"Ngunit ─"

"Sundin mo na lamang ako." putol niya sa sasabihin ng dalagang Senon ang pangalan.

Ma-autoridad ang boses nito. Wala nang nagawa si Senon kung hindi ang tumango at pumunta sa isang sulok ng silid, tahimik na nagmamasid.

Muling itinuon ng dalaga ang atensyon sa mga kalalakihan nang makumpirmang hindi basta magagalaw si Senon.

"Pakiusap, umalis na kayo. Hindi ko alam ang mga pinparatang ninyo, at kung sakali mang totoo nga ang inyong tinurang, ipinapangako kong wala akong gagawin na ikapapahamak ng sino man."

Pinagmasdan ni Elisse ang babae mula sa taas kung saan siya nakapuwesto. Maganda ito, mahaba at itim na itim ang buhok, katamtaman ang tangkad at may banayad na boses. Kahit ang ekspresyon ng mukha nito ay napaka-inosente. Hindi niya alam kung bakit hinahanap ito ng mga kalalakihan dahil mukha namang mabait ang nasabing dalaga.

"Huwag mo kaming paikutin! Sinasabi mo 'yan dahil hindi mo alam ang mga pwedeng mangyari." anas ng pangalawang lalaki, "Kamatayan mo lamang ang babali sa nakatakda, walang saysay ang buhay mo kumpara sa buhay naming lahat! Mamatay ka!"

The woman's lips turned into a straight line. Sa kabila ng kawalan nito ng emosyon ay nababasa sa mga mata nito ang namumuong galit. Sa pagkuyom ng mga kamay ng dalaga, doon pa lang ay alam na ni Elisse ang maaaring mangyari. And even with Senon's horrified expression, she knew it ─ something will happen and it's not a good thing.

"Hindi ko na uulitin ito." Seryoso ang boses ng magang dalaga, nakalakip sa tono nito ang isang babala. Walang kababakasan ng takot sa kanya kahit na mas marami ang kaharap, at posibleng mas malakas pa. "Umalis na kayo kung ayaw ninyo pang mamatay."

Tila nainsulto ang mga ito at walang anu-ano ay sinugod siya. "Lapastangan! Nararapat ka ngang mamatay!"

Mas humaba ang mga pangil nila at tinangkang kagatin ang babae pero nakaiwas ito. Parang buhawi ang nangyayari sa bilis ng mga kilos nila. Kahanga-hangang naiwasan ng dalaga ang lahat ng pagsugod na ginawa ng mga ito.

Sumugod ulit ang isa sa mga lalaki at nagpalabas ng yelo na hugis patalim sa kamay nito at bastawang iwinasiwas sa direksyon ng dalaga na mabilis nitong naiwasan ngunit huli na nang mapagtanto nitong nagyeyelo na ang kanang paa. Naisahan siya ng lalaki dahil pain lang pala ang mga pinalabas na yelong patalim.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon