BDOD #19

14.2K 496 48
                                    

This is the first day na hindi magkasamang tinahak nila Vice at Klang ang hallway papunta sa dressing room. He's alone. Tanging bag at sarili lang niya ang dala-dala kaya naman tila may kulang sa sarili niya ngayong araw na 'to.

Nasanay si Vice na sa tuwing gigising ay mukha ng anak ang unang makikita, amoy ng anak ang unang malalanghap at kamay ng anak ang unang mahahawakan but this time, iba na ang ihip ng hangin. Si Karylle na ang kasama ng anak at hindi siya. Pagkapasok sa Dressing room ay malungkot niyang nginitian ang mga kaibigan na naghihintay sa kaniya.

"Kaya mo pa 'te?" naaawang tanong ni Buern habang pinagmamasdan ang kaibigan. "Ang sad sad mo na oh,"

"Alam mong hindi ko kaya, Buern. Pero kailangan ko munang magtiis sa ngayon..."

Malalim itong napabuntong hininga bago tignan ang relfection sa salamin. Halata ang eyebags na naipon niya kagabi dahil hindi siya agad nakatulog. He wasn't used to sleep without Klang.

"Ba't hindi mo tawagan?" Aaron asked habang nakafocus ang atensyon sa cellphone na hawak. "Baka nagagalit na sa 'yo si bagets. Alam mo naman yun, binubugnot pag hindi ka tumatawag."

"Pag tumawag ako, paniguradong pipilitin niya 'kong kunin siya. Kilala niyo naman ako, hindi ko kayang tiisin si Klang."

Nagkatinginan naman sila Buern at Aaron. Simula nang dumating si Klang sa buhay ni Vice, never nilang nakita na sumimangot ang kaibigan... ngayon nalang ulit.

"Saka hindi naman magtatagal 'to mga bakla. Babawiin ko naman sila..."

"Sila? Pati si Karylle?"

Natahimik naman si Vice nang marealize ang lumabas sa bibig niya. Babawiin nga ba talaga niya pati si Karylle?

-.-.-.-.-

During LipSwak, tahimik na nakaupo si Vice habang pinapanuod ang performance ng grupo ni Vhong. Sa totoo lang ay wala naman talaga sa pinapanuod niya ang focus. Tila nagbibilang ang utak niya kung ilang araw oh linggo pa ba ang lilipas bago niya ulit makakasama ang anak.

Hanggang sa isang bata ang lumapit sa kaniya habang nakaupo. Halos parang isang taon lang din ang tanda ni Klang sa bata kaya mas lalo namang napasimangot si Vice. He really misses his daughter.

"Puge!" the kid said sabay poke sa hita ni Vice. Natawa naman ang binata na naglook-back para tignan kung sino ang magulang ng bata. "Kandong."

"Ay kandong ka? Come here,"

He let the kid sat on his lap. Pinanggigilan niya itong niyakap at hinalik-halikan sa ulo. Si Anne naman na nasa tabi niya ay pinaglalaruan ang kulot na buhok ng bata habang natatawa dahil nakikita talaga niya ang inaanak sa batang nakakandong kay Vice.

"Namimiss ko na yung baby ko, ano ba yan." Vice grumbled as he puckered his lips. Napangiti lang naman si Anne bago hagurin ang likod ng kaibigan.

"Puge!" the kid muttered again habang yung pisngi naman ni Vice ang pino-poke. "Puge!"

"Pogi ako?" tanong ni Vice. Napa-grin naman ang bata sabay tango.

"Puge!"

Hanggang sa matapos ang LipSwak Segment ay nakakandong lang ang bata kay Vice. Natutuwa naman ang binata dahil kahit papano'y napunan ng bata ang pangungulila niya sa anak. Vice carried the kid papunta sa stage nang magcomercial.

"Mama!" the kid yelled nang makita na pababa si Karla mula sa hurado seats.

"Come here, Jordan!" Karla said while walking towards the kid.

"Kaloka, anak mo?" natatawang tanong ni Vice. Isang tapik naman ang natanggap niya mula sa kaibigan.

"Gaga! Anak ng pamangkin ko 'to," sagot ni Karla before holding the kid's hand. "What will you say to Tito Vice?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon