CHAPTER 115 : PALAWAN

6.3M 116K 416K
                                    

MAX'S POV

"I prayed that you and I... will end up together.." nakangiting usal ni Sensui habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot..

Pakiramdam ko ay nalibang ako sa mga kislap na paulit-ulit kong nakikita sa mga mata nya..

At non ko narealized na totoo pala ang sinasabi mga palabas at nababasa ko sa mga story book.. Kapag nagpapakatotoo ang tao tungkol sa nararamdaman nya.. kumikislap ang mga mata nito..

Yun ang tanging laman ng isip ko.. alin mang parte ng katawan ko ay hindi kumokontra sa nakikita ko.. Kaya naman pilit ko na lang inintindi ang masarap sa pandinig na linya'ng binitiwan nya..

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tinanong ko ito..

Anong nararamdaman ko??

Nalilito ako sa sarili kong nararamdaman..

Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nya at ang sarap titigan ng mukha nya kapag sinasabi nya yun..

Pero meron pa ring kulang..

Your mind is acting up again, Maxpein..

Naiiwas ko ang paningin ko sa kanya at saka ako tumingin sa dulo ng dagat..

Hindi sya nagsalita at hindi ko na rin sya nakikita.. nanatili akong nakatingin sa dulo ng tubig habang pilit na nag-iisip.

"H-Hahahahaha.. m-masyado ba akong naging mabilis?? D-Don't worry.. I just prayed for it.. h-hindi naman ibig sabihing iga-grant agad.. h-hehehe.." parang napapahiyang usal nya at napabuntong-hininga naman ako. "W-Wag mo sana isiping minamadali kita.. its not like that.. Its just that, I can't really help myself from being this comfortable to speak up my mind kapag ikaw ang kaharap ko.."

Hindi ako nagsalita..

Hindi ko sya sinagot..

Nanatili akong nakatingin sa malayo ay pilit na kinaklaro ang isip ko..

"What can I do to make you happy??"

Natinag ako nung madinig kong magtanong sya..

Hindi agad ako lumingon..

Hindi pa rin ako nagsalita..

Tinanong ko ang sarili ko..

Ano nga ba ang pwede nyang gawin para maging masaya ako??

Nahihirapan akong sagotin ang sarili ko..

Pano kita sasagutin kung sarili ko mismo, hindi ko masagot??

"I hope you won't mind if I do this.." mahinang usal nya at saka ko naramdaman sa magkabilang balikat ko ang mga kamay nya. Dahan dahan nya akong iniharap sa kanya at muling nagtama ang paningin namin. "I want you to answer me by looking straight in my eyes.. kasi yang mga matang yan.. yan ang pinaniniwalaan ko Taguro.." malumanay pang dagdag nya. "What can I do to make you happy??"

"I don't know.." malumanay ring sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya. "Hindi ko alam.."

Hindi sya nagsalita..

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa at parehong hindi malaman ang mararamdaman..

Alam ko sa loob kong may panghihinayang sa kanya dahil yun ang nakikita ko sa naging reaksyon sa mukha nya..

Ramdam ko ring nalungkot sya pero wala akong magagawa..

Ayokong magsinungaling sayo.. Ayoko ng maulit pang makapagbitaw ako ng mga salita sayong ultimong ako.. ay walang kasiguraduhan..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon